^

PSN Showbiz

Family… at Hello… walang salpukan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Family… at Hello… walang salpukan!

Sure nang hindi magsasabong sa takilya ang Family History ng GMA Pictures at ang Hello, Love, Goodbye dahil magkaiba ang playdate ng mga nabanggit na pelikula.

Kung sa July 24 ang showing sa mga sinehan ng Family History, sa July 31 naman ang playdate ng unang pelikula ni Alden Richards sa Star Cinema.

Take it… habit na!

Take It... Per Minute! (Me Ganun) day na naman kahapon at sana, maging habit ng lahat na panoorin every Tuesday from 12 pm to 1 pm ang online show namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

Habang tumatagal ang aming online show, very comfortable na kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa aming mga ginagawa ‘di ba, Salve.

Halos natatapos ang programa ng hindi namin napapansin ang oras at talagang kung saan-saan napupunta ang aming usapan.

Natatakot nga ako dahil sanay na sanay na ako kina Tina Roa at Japs Gersin. Baka kapag hindi ko sila nakita sa loob ng isang linggo, puntahan ko sila sa Nueva Ecija.

At tuwing Martes, looking forward na ako sa mga pagkain na dala ni Cristy na ipinaluluto niya sa bahay nila para sa atin Salve at sa crew ng Take It... Per Minute.

Hay naku, ending mas malaki pa ang gastos ni Cristy sa mga pagkain na bitbit niya kesa sa kanyang talent fee.

Aktres inalagaan ang asawa hanggang sa bawian ng buhay

Eye opener pala ang item ko tungkol kay Samboy Lim at Atty. Darlene Berberabe.

Hindi pala akalain ng ibang mga tao na kahit hiwalay na ang mag-asawa dahil nagkaroon ng bagong karelasyon ang lalake, puwede itong matanggap ng kanyang legal wife at hindi nito inilayo ang kanilang anak.

Iba’t iba nga kasi ang level at bigat ng bawat pain o sakit na idinulot ng paghihiwalay at ang respect sa isa’t isa ng naghiwalay na couple.

Kung likas na mapagpatawad ang isang tao at mas binibigyan nito ng pagpapahalaga ang happy memories nila, intact pa rin ang gratitude kahit nawala na ang pagmamahal.

We salute Atty. Darlene Berberabe for her golden heart at easy acceptance of their situation. We admire her daughter for being good despite the situation ng parents niya. We sympathize with Samboy Lim dahil sa nangyari sa kanya.

Maging aral sana sa mga naghihiwalay na mag-asawa na kahit hindi na kayo magkasama, maging friends pa rin lalo na kung may mga anak kayo.

Sabi nga, mawala na ang love at respect pero naroroon pa rin sana ang gratitude dahil may maganda pa rin na pinagsamahan ang mga ex-couple.

Good example ang nagkahiwalay na showbiz couple pero nang magkasakit ang aktor, ang kanyang ex-wife ang nag-alaga sa kanya hanggang bawian siya ng buhay.

True story ito pero hihingin ko muna ang permiso ng aktres bago ko sila pangalanan ng kanyang pumanaw na ex-husband para malaman ng lahat na lifetime responsibility ang commitment kahit humantong sa paghihiwalay ang pagsasama.

GOODBYE

LOVE

HELLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with