Angel engaged na sa film producer!

Ilang carats kaya ang diamonds?

Sabog ang social media kahit weekend sa inilabas na proposal photo ng film producer na si Neil Arce sa girlfriend na si Angel Locsin.

Naunang nag-post sa kanyang Instagram account si Neil na hawak sa likod ang singsing na may malaking diamond kahapon. Sa singsing naka-focus ang nasabing photo.

 “Excuse me miss... I have a question...” ang caption ni Neil habang hawak nga ang singsing na ang bato ay princess cut.

Ilang minutes lang ay ‘yes’ na ang sagot ni Angel sa kanyang social media account at suot na ang singsing. “Surprise of my life. We’re engaged!Waaaaaaaaaah!”

Inulan ng santambak na puso ang nasabing posts ng ngayon ay engaged couple.

Kabi-kabila rin ang congratulatory messages galing sa mga kaibigan nilang artista at fans.

Ang hihintayin na lang ay kung kailan ang kasalan ng aktres at ng film producer na madalas kasosyo sa mga pelikula ng Viva Films.

Ex nina Neil and Angel sina Bela Padilla and Luis Manzano.

Si Bela, single pa rin, habang si Luis ay three years na ang relationship kay Jessy Mendiola.

Congrats Neil and Angel.

Show comments