^

PSN Showbiz

Paghirang kay Eddie Garcia bilang 'national artist' suportado ni Panelo

James Relativo - Philstar.com
Paghirang kay Eddie Garcia bilang 'national artist' suportado ni Panelo
Sa isang press briefing Martes, sinabi ni Panelo na hindi matatawaran ang malaking ambag ni "Manoy" sa pelikulang Pilipino.
AFP

MANILA, Philippines — Kung siya ang papipiliin, ibibigay daw ni presidential spokersperson Salvador Panelo ang kanyang suporta sa mga nananawagang hiranging "Pambansang Alagad ng Sining" ang yumaong aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Sa isang press briefing Martes, sinabi ni Panelo na hindi matatawaran ang malaking ambag ni "Manoy" sa pelikulang Pilipino.

"[I]f you'll ask me, given the fact na, ilang taon siya? 70 years in the movie industry? And he has acted in so many roles? Kung ako ang member [ng selection committee], bobotohan ko siyang national artist, kung ako ay member ng body," ani Panelo.

Ang "Orden ng Pambansang Alagad ng Sining" (Order of National Artist) ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa mga inibidwal na nakapag-ambag nang malaki sa pagpapahusay ng sining ng Pilipinas.

"Alam mo, there is a mechanism for that. They will have to pass through that," dagdag ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Hindi naman si presidente ang nagde-decide niyan eh. Merong body that will study."

Magkasamang pinangangasiwaan ng National Commission for Culture and the Arts at Cultural Center of the Philippines ang order at iginagawad ng presidente ng Pilipinas matapos irekomenda ng parehong institusyon.

Maaaring manomina sa mga sumusunod na kategorya ang mga artista: sayaw, musika, teatro, sining biswal, literatura, pelikula at broadcast arts, arkitektura at allied arts at disenyo.

Matatandaang pumanaw si Garcia matapos ma-comatose sanhi ng aksidente sa isang taping. Siya'y 90-anyos.

Panawagan ng mga nasa showbiz

Itinutulak ngayon ng ilang artista at pulitiko na mahirap na national artist si Manoy.

Kabilang sa kanila sina Cesar Montano, Ormic City Mayor Richard Gomez, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto at Senator-elect Lito Lapid.

"It's really about time. Yung mga body of works niya, napakaganda at tska napakarami," wika ni Gomez sa panayam ng CNN Philippines.

"Ang laki ng contribution niya sa culture, sa industry at sa Filipino people."

EDDIE GARCIA

NATIONAL ARTIST

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with