Sobrang paghahanda na ang ginagawa ngayon ni Ian Veneracion para sa kanyang Ian: In Color concert na gaganapin sa July 11 at 12 sa Music Museum.
Aminado ang actor-performer na talagang kinakabahan siya para sa nalalapit na concert dahil magiging special guests niya ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.“Siyempre kinakabahan ako. Kapag naririnig ko si Regine na kumakanta parang mas gusto kong makinig na lang. Parang baka makalimutan ko ‘yung parts ko,” natatawang pahayag ni Ian.
Bukod sa pagkanta ay tumutugtog din ng gitara ang aktor sa lahat ng concert na kanyang ginagawa. Sinisiguro ni Ian na tiyak na sulit ang ibabayad ng mga tagahangang manonood ng kanyang show. “‘Yung mga music na nag-enjoy ako tugtugin, old school and yes, maggigitara ako. It’s a live band kaya masarap ang tugtugan,” pagbabahagi niya.
Samantala, hindi man aktibo sa paggawa ng teleserye ang aktor ay abala naman sa paggawa ng pelikula. Kasama si Ian sa Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. “It’s the first Filipino zombie movie. Ang ganda, ang ganda ng script. Julia and Joshua ang kasama ko, Mikhail Red (ang direktor),” pagtatapos ng aktor.
Dahil sa girl Ryle may kaaway na kasamahan sa hashtags
Inamin ni Ryle Santiago na mayroon siyang nakaalitan na isa ring miyembro ng Hashtags na kanyang kinabibilangan. May kinalaman daw ang pangyayaring ito sa dating nakarelasyon ng aktor. “Hindi kasi ako fan ng mga nangtatalo ng kaibigan. No’ng nag-break kami ng ex (girlfriend) ko, nalaman kong may lihim na pagtingin (ang Hashtag na nakaalitan sa dating kasintahan). Tapos tinanong siya isang beses (sa TV guesting) kung sino ang celebrity crush niya, tapos ang sinagot niya si ex. Hindi niya alam na speaking terms pa kami,” pagdedetalye ni Ryle.
Sa ngayon ay hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ng aktor at ng kanyang kasamahan pang isa sa Hashtags.
Ayon pa kay Ryle ay wala na rin siyang pakialam sa mga ginagawa ng kanyang nakatampuhan sa It’s Showtime.’“Hindi (pa kami okay). Hindi nga ako sumusuporta sa mga production number niya eh,” giit ng binata. Matatandaang kay Kira Balinger huling naugnay si Ryle noon.
Kagabi ay napanood ang aktor sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya na pinagbidahan naman ni Joshua Garcia. Gumanap si Ryle bilang isang sundalo rin na kasamahan ni Joshua. (Reports from JCC)