Dingdong, gwardyado ang social media ng anak na si Jayda

Jayda Avanzado at Dingdong Avanzado

Suportado ng mag-asawang sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ang pagsabak na rin sa show business ng nag-iisang anak na si Jayda Avanzado. Ayon kay Dingdong ay hindi rin madali ang tungkulin bilang magulang sa pagkakaroon ng anak nasa kaparehong industriya. “For any father na magkaroon ng isang teenager lalung-lao na pumasok siya sa karera na masasabi mong hindi easy, ‘yung karera ng music and showbiz. It’s very challenging,” bungad ni Dingdong.

Ayon sa singer ay kinailangan pa niyang magkaroon ng social media accounts ngayon upang mabantayan din kung anu-ano ang ginagawa ng anak. “Just to keep up and to find out also ano ang mga ganap lalo na kay Jayda. We have to be there to see kung hindi siya napapariwara. Pati ‘yung mga post niya dapat aware kami,” paliwanag niya.

Samantala, saksi rin si Dingdong sa magandang turingan nina Jayda at Darren Espanto. Para sa singer ay talagang mabait sa kanilang anak ang binata kahit noong wala pa sa show business ang dalawa. “Even before Jayda entered show business, magkaibigan na sila ni Darren. They were already friends, they were communicating na sa States, while si Darren ay nasa Canada. So it’s true that they were really close. And I appreciate that. Si Darren is one of the nicest guys I’ve met. Really mabait na bata, magalang, ” pagbabahagi ni Dingdong.

Panganay ni Bayani karelasyon ng kapatid ni Bea

Kasintahan ngayon ng panganay na anak ni Bayani Agbayani na si Thalia ang nakababatang kapatid ni Bea Alonzo na si James Carlos. Nagkakilala raw ang dalawa sa isang culinary school at ayon sa aktor ay matagal na rin niyang kilala ang binata. Nakakalaro raw noon ng basketball ni Bayani si James.

“Nakaka-basketball ko na siya, kami nina Vhong Navarro sa Reyes gym. Kaya no’ng pagdating niya ng bahay namin, sabi niya, ‘Ako po ‘yung nakaka-basketball n’yo.’ ‘Ah ikaw pala.’ No’ng bandang huli sinabi niyang liligawan ko po sana si Thalia, aakyat ako ng ligaw. Sabi ko sana sinaktan kita no’ng dating nagba-basketball tayo,” natatawang pahayag ni Bayani.

“Bumilib ako sa kanya kasi ang totoong lalaki at magalang na bata, pupunta talaga sa bahay,” dagdag pa ng komedyante.

Bilang isang magulang ay hindi raw si Bayani ang tipo ng nakikialam o nanghihimasok sa buhay pag-ibig ng apat niyang anak na babae. “Nagga-guide ako kung paano nila makakamtan ang mga pangarap nila. Ako ang ama na kaibigan ng mga anak ko. Ako ang ama na laging nakakaunawa kung ano ‘yung ugali ng mga millennial ngayon,” paglalahad ng aktor.     (Reports from JCC)

Show comments