^

PSN Showbiz

Bayani binukong kayang ipasok sa bibig ang baba ni AiAi

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Bayani binukong kayang ipasok sa bibig ang baba ni AiAi
Bayani

Pagdating sa comedy, isa si Bayani Agbayani sa maituturing na maga­ling magpatawa. Matagal nang wala ang Hari ng Komedya na si Dolphy at hanggang ngayon ay wala pang nakikitang pwedeng magmana ng kanyang korona. Pero, heto lang ang bida ngayon sa unang production venture ni Pops Fernandez na Feelennial, kapareha ni AiAi delas Alas. Hindi ko lang alam kung narinig n’yo na yung joke niya about his mom being a manananggal. Classic yun, nakakatawa and he delivered it with a straight face. Isa yun sa mga katangian ng heir next to the King of Comedy, Dolphy. Nakakapagpatawa siya with a poker face. Aakalain mong seryoso siya at hindi nagpapatawa. Champion din yung joke niya tungkol sa husay humalik ni AiAi sa kanilang movie, when he said na hindi lang dila ang napagalaw ni AiAi sa kanilang halikan, pati rin ang baba nito ay naipapasok nito sa kanyang bibig. O di ba nakakatawa na, lalo’t siya ang nagdi-deliver.

At kung hindi mag-iingat ang Comedy Concert Queen sa Feelennial ay baka masapawan siya ng isang Bayani Agbayani, without him really trying.

Dating member ng That’s na si Bryan Soler ikinasal na sa long-time GF

Halos ‘di ko na makilala ang magkapatid na ex-That’s Entertainment member na sina Bryan at Simon Soler sa mga larawan na kuha sa kasal ng una. Nung June 8 pinakasalan ni Bryan Soler ang kanyang long time girlfriend na si Bea Carla Redoblado, isang abogado. Naganap ang kasalan sa Sanctuario de San Antonio. Nasa 40s na ang groom pero matikas pa rin sa kabila ng numinipis niyang buhok at may bigote’t balbas na, ganundin ang nakakabata niyang kapatid na si Simon. Parehong negosyante ang magkapatid. May isa nang anak ang ikinasal at mayro’n nang anak sa pagkabinata si Bryan na dalaga na rin. Masaya ang kasalan na dahil sa parehong naging artista ang mga magulang ng groom na sina Jun Soler at Raquel Montesa ay nagkaro’n ng kulay showbiz ang okasyon dahil sa mga nag-ninang sina Mayor Lani Mercado, Gloria Diaz, Liza Macuja Elizalde, at isang executive ng GMA na si Redgie Acuña Magno. Sa wedding entourage naman ay kabilang sina Jeffrey Santos, Hon. Abigail Binay, habang naging bisita naman sina Veronica Jones, Daria Ramirez, Gardo Versoza, mga That’s members na sina Karen Timbol, Patricia Javier, Maricel Hipolito at Brylle Mondejar.

Maxene nag-donate ng buhok

Nakaka-10 taon na palang namamayapa ng Master Rapper na si Francis Magalona. Sayang at ‘di na niya naabutan ang pagsikat ng mga anak niya sa showbiz, lalo na nina Elmo at Maxene. Si Elmo ay namana ang kakayahan niyang mag-rap, akting naman ang forte ni Maxene na namamayani ngayon sa pagganap ng contravida roles. Para bumagay sa mga ginagampanan niyang role, ipinaputol ni Maxene ang mahaba niyang buhok at ipinagkaloob sa mga cancer patients.

Sen. Tolentino gustong pakialaman ang hindi totoong problema ng bayan

Ang aga ring nababatikos ng kaluluklok lamang sa Senado na si dating MMDA chairman Francis Tolentino. Paano ba naman sa dinami-dami ng problema ng bansa ay yung pagdaragdag ng star sa ating bandila ang inuuna. Sayang at sinabi pa ni Pres. Rodrigo Duterte na maasahan siya. Baka sa traffic may maitutulong ka. Okay naman  ang sitwasyon ng ating bandila at ng Lupang Hinirang, bakit balak ding palitan ang ibang lyrics? Matagal na proseso ito na hindi mahihintay lalo na ng mga may problema sa pagkain. 

BAYANI AGBAYANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with