Pamilya ni Eddie Garcia ayaw munang tanggapin Ang National Artist Award!
Nag-prayer healing, walang planong sukuan
Tinatanggihan muna diumano ng pamilya ni Manoy Eddie Garcia ang lahat ng awards na itinatawag sa family ng award winning actor / director na nanatiling nasa coma sa ICU ng Makati Medical Center.
Ang dami raw kasi ngayong natatanggap na tawag ng partner ni Mr. Eddie na si Ms. Lilibeth Romero at nag-a-advice na gagawaran ang actor ng National Artist Award at kaliwa’t kanang lifetime achievement award. Nagpapasalamat ang pamilya pero they’re ok na raw ‘with what he has’ ayon sa isang malapit sa pamilya.
Anyway, kahapon din ay ginanap ang isang Prayer for Healing. Nagsama-sama sa isang misa at pagdarasal ang maraming kaibigan, kapamilya at tagahanga ng naaksidenteng aktor na ginanap sa St. Andre the Apostle Church, Bel-Air II, Makati.
Ang brother ni Manoy Eddie na si Director Santiago Garcia ang nanguna sa nasabing “Mass and a Prayer.”
Naging welcome ang lahat para sa nasabing Prayer for Healing.
Nauna nang sinabi ng spokesperson ng pamilya ni Manoy Eddie na si Dr. Tony Rebosa na wala silang planong bumitaw bilang paglilinaw sa balitang kumalat na nagbabalak silang tanggalin na ang life support ng mahusay na aktor at direktor. “Definitely they don’t want to let go,” sabi ng official spokesperson ng pamilya.
- Latest