^

PSN Showbiz

'Walang plano': Life support ni Eddie Garcia 'di tatanggalin, sabi ng tagapagsalita ng pamilya

James Relativo - Philstar.com
'Walang plano': Life support ni Eddie Garcia 'di tatanggalin, sabi ng tagapagsalita ng pamilya
"Definitely they don't want to let go (Ang sigurado'y ayaw pa nilang bumitaw)," ani Rebosa.
File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamilya ng beteranong aktor na si Eddie Garcia na wala silang planong sukuan ang nag-iisang "Manoy" ng showbiz industry.

Sa panayam ng dzBB kay Dr. Tony Rebosa, sinabi na wala pa namang daw inilalabas na desisyon ang pamilya.

"Definitely they don't want to let go (Ang sigurado'y ayaw pa nilang bumitaw)," ani Rebosa.

Ito ang kanilang tugon matapos kumalat ang ugong-ugong na balak nang tanggalin ang life support ng artista.

Ala-una ng hapon kahapon, kinumpirma ng Makati Medical Center na nananatili si Eddie sa pagka-comatose.

"[A]s of 1pm of June 13, 2019, Mr. Eduardo or Eddie Garcia continues to be in critical condition. He is still in a comatose state and is dependent on ventilator and medications to support his blood pressure," paliwanag ng doktor.

(Bandang ala-una ng ika-13 ng Hunyo, 2019, nanatiling kritikal ang kondisyon ni Ginoong Eduardo o Eddie Garcia. Comatose state pa rin siya at naka-asa sa ventilator at mga gamot upang masuportahan ang presyon ng kanyang dugo.)

Kritikal at seryoso pa rin daw ang kondisyon ng gumanap na "Don Emilio" sa "FPJ's Ang Probinsyano" magmula pa noong madisgrasya nitong Sabado.

Matatandaang dumanas ng "severe cervical fracture" o pagkabali ng leeg si Eddie matapos matapilok sa ilang kable habang nasa taping ng "Rosang Agimat."

"He's on a ventilator, meaning sinusuportahan lang 'yung paghinga niya. And he's in coma," dagdag ng spokesperson ng pamilya.

Ginagawan na raw ito ng paraan ng mga doktor ngunit ipinasasa-Diyos na lang daw nila ang paggaling ng 90-anyos.

Nakilala si Garcia sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula, lalo na sa larangan ng aksyon.

"[T]he family would like to convey their gratitude to everybody who has been giving them their full support, and love and prayers."

(Ipinaaabot ng pamilya ang kanilang pasasalamat sa mga nagbigay ng kanilang buong suporta, pagmamahal at panalangin.)

Matatandaang nangalap ng panalangin ang iba't ibang showbiz personality kamakailan para sa ikabubuti ng lagay ng isa sa mga haligi ng industriya.

ACCIDENT

EDDIE GARCIA

HOSPITALIZED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with