^

PSN Showbiz

Eddie Garcia kailangan ng dasal, matindi ang naging atake sa puso!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Eddie Garcia kailangan  ng dasal, matindi  ang naging atake sa puso!
Eddie Garcia
facebook

Natisod, na-coma!

Kailangan pa ng maraming dasal ng beteranong aktor / direktor na si Eddie Garcia.

Habang sinusulat ito ay nasa critical condition pa siya matapos ang matinding atake sa puso habang nagti-taping sa Tondo, Manila.

Mabilis na kumalat sa social media ang nangyari sa aktor na natisod sa isang kable nang pumasok sa eksena na makikipag-barilan na sana sa gina­gawa niyang teleserye sa GMA 7, ang Rosang Agimat, base sa kumalat na actual video ng mga pangyayari.

 Kaya naman bumaha agad ng dasal para sa award winning director / director na naunang napabalita na na-coma.

Narito ang official statement ng pamilya ni Tito Eddie kahapon kaugnay sa atake sa puso ng 90-year old actor / director na itinutu­ring na isa sa mga haligi ng industriya ng pelikula.

“Manoy Eddie Garcia was at a taping this Saturday morning when he suffered from a severe heart attack. He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concern and extended prayers. Please continue praying for Tito Eddie’s fast recovery. At 90, he is still doing what he loves most, acting. He is a pillar of the industry and is very passionate about his craft. We would like to request his fans and everyone to pray with us so he could get better the soonest time possible. Thank you.”

Agad siyang isinugod sa  Mary Johnston Hospital pagkatapos ang pagbagsak niya.

Habang tinatapos namin ito ay naka-schedule raw itong ilipat sa mas malaking hospital kahapon ng hapon dahil na-revive pero biglang may nag-advice na-hold ang paglilipat sa kanya mula sa MJH sa Tondo.

Matagal napanood sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN si Tito Eddie bago siya bumalik sa GMA 7. Last February lang siya nagpaalam sa character niyang si Senyor Gustavo/Don Emilio na namatay matapos subukang takasan si Cardo Dalisay (Coco Martin).

Ang Rosang Agimat naman ay ang upcoming GMA series na pinagbibidahan ni Gabbi Garcia kasama sina Chanda Romero, Tonton Gutierrez, Thea Tolentino, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Luz Valdez, Aubrey Miles, Victor Neri, Roi Vinzon at Betong Sumaya.

Very vocal si Tito Eddie na wala sa vocabulary niya ang retirement.

Lagi niyang sinasabi na habang gusto siyang mapanood ng fans at interesado sa kanya ang mga producer ipagpapatuloy niya ang pagta-trabaho.

Ngayon ay sunud-sunod ang natatanggap niyang parangal para sa pelikulang Rainbow’s Sunset na isa sa naging official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) last year.

Kilala sa pagiging professional si Tito Eddie.

Pag ang call time niya halimbawa ay 6:00 a.m., 5:00 a.m. pa lang, nasa venue o location na siya sa lahat ng commitment niya.

Isa rin siya tinuturing na pinakamabait sa showbiz.

Kaya naman talaga gustong-gusto siyang katrabaho at kausap ng mga taga-showbiz.

Samantala, kabilang sa mga nagpaabot ng dasal kahapon ay sina Vice Ganda : “Lord God we pray for Tito Eddie Garcia’s wellness and safety. He will be healed. We claim in Jesus’ name, Amen.”

Senator Chiz Escudero na kapwa niya Bico­lano : “Taimtim na panalangin para sa aking lolo Eddie Garcia para sa kanyang agarang paggaling! Hiling ko din sa Diyos Ama  ang patuloy na pananalig at tibay ng loob para sa kanyang pamilya’t mahal sa buhay para maharap at malampasan ang pagsubok na ito...”

Alex Gonzaga : “Ayyy pagpray natin si sir Eddie Garcia for his full recovery and healing.”

Nakabantay at nagdarasal ngayon ang buong showbiz sa kalagayan ni Tito Eddie.

 #DasalParaKayManoyEddie

EDDIE GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with