^

PSN Showbiz

Aktor, daig pa ang babae sa kaartehan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mas maarte pa sa babae ang isang kilalang male personality. Pinatutunayan ‘yun ng kanyang mga nakakatrabaho, maging ng kanyang mga kaklase sa high school at sa kolehiyo, tunay na maarte nga raw ang male personality na ito.

Okey lang naman ang pagiging maarte ng kahit sino, habang walang natatapakan at nasasagasaan ay walang problema sa kaartehan, pero kakaiba pala ang pagiging maarte ng male personality.

Kuwento ng aming source, “Maarte na siya kung sa maarte, pero hindi naman ‘yun ang pinagpipistahan tungkol sa kanya. Mas marami pa kasi siyang bagahe kesa sa mga artistang babae!

“Para siyang maglilipat-bahay, napakarami niyang bagahe, para siyang biyahero na halos lahat yata ng mga laman ng closet niya, e, dinadala na niya sa set.

“Nu’ng gumawa siya ng movie na kasama ang isang veteran actress, ang dami-daming nakapansin na para siyang designer sa dami ng bitbit niyang outfit!

“Hindi nga siya puwedeng makipag-share ng dressing room sa iba niyang mga kasamahan, kasi nga, sa mga dala-dala pa lang niya, e, masikip na ang lugar!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Mas marami rin siyang stuff na pang-make-up kesa sa leading lady niya. Sabihin n’yo ang brand ng kahit anong pangkolorete sa mukha at meron siya, hindi siya nagpapahuli sa uso.

“’Yun ang palagi nilang kuwentuhan ng isa pang male personality na kumpleto rin sa make-up. Pareho kasi silang banidoso, hindi sila gumagamit ng make-up na inia-apply rin sa ibang artista, exclusive lang para sa kanila ‘yun!

“Tapos, naiinis siya kapag may mga kuwento tungkol sa gender niya na pinagdududahan ng marami? Para hindi siya pinagdududahan, bawasan niya kasi ang mga laman ng make-up bag niya!

“Konting outfit lang din ang dalhin niya sa set, ‘yung mga kailangan lang talaga niyang gamitin, hindi ‘yung halos buhatin na niya ang closet niya sa location!

“Naku, lagyan ng X ang name ng male personality na ‘yun! Masyado siyang maarte! Daig pa niya ang mga female personalities sa kaartehan niya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Erwin parang nasampal ng mag-asawa ni Sec. Bautista

Parang mag-asawang sampal na lumagapak sa mukha ni Erwin Tulfo ang kabuuang nilalaman ng opisyal na pahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista.

Sa unang pagkakataon ay naglabas na ng kanyang saloobin ang dating heneral at tagapamuno ngayon ng ahensiya ng pamahalaan tungkol sa kontrobersiyal na pambabastos ng news anchor sa kanyang pagkatao.

Sa lengguwahe ng mga kabataan ay simple pero rock ang nilalaman ng pahayag ni Secretary Bautista. At ang lahat ng kanyang iniuutos ay kailangang gawin ni Erwin Tulfo sa lalong madaling panahon.

Ayon sa dating heneral sa kanyang opisyal na pahayag bilang kapalit ng pagtanggap nito sa panghihingi ng dispensa ng news anchor, “Hihingi ng paumanhin si G. Erwin Tulfo na ipapalabas niya sa mga pangunahing dyaryo sa sukat na hindi liliit sa kalahating pahina na kanyang babayaran. Ipapalabas din niya itong paghingi ng paumanhin sa social media platforms katulad ng Facebook, Twitter, Instagram at YouTube at sa mga istasyon ng radyo katulad ng DZBB, DZMM, Radyo Singko 92.3 News FM, DZRH at DZRB.

“Magbibigay siya ng donasyon sa halagang hindi bababa sa taltong daang libong piso (Php300,000.00) sa lahat ng mga sumusunod sa halip ng pambayad ng danyos o bayad-pinsala sa pagkawasak ng aking pagkatao, reputasyon at pati na rin ng mga institusyon na aking kinatawanan o naging kaanib na binubuo ng mga sumusunod:

“The Philippine Military Academy, The Philippine Military Academy Alumni Association Inc., The Association of Generals and Flag Officers, The First Scout Ranger Regiment-PA, The Special Force Regiment (Airborne)-PA, The Light Reaction Regiment-PA, The Philippine National Police Special Action Force, The Philippine Naval Special Operations Group-PN, The Philippine National Police Maritime Group, The Trust Fund for the City of Marawi’s Internally Displaced Persons (IDPs) to be administered by DSWD BARM, The Philippine Veterans Hospital, The AFP Victoriano Luna Medical Center, The Philippine National Police Camp Crame General Hospital, The Philippine Army General Hospital, The Philippine Navy General Hospital, The Philippine Air Force General Hospital, The Philippine Coastguard General Hospital and an educational trust fund for the deserving children of DSWD employees to be deposited at Landbank.”

vuukle comment

ERWIN TULFO

ROLANDO BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with