So many years ago, June 7, 2008 to be exact, ginising ako sa madaling araw ng mga tawag sa phone ko, inquiring kung totoo na namatay na si Rudy Fernandez na may sakit na cancer that time.
Hindi ko alam kung bakit up to now parang hindi totoo na wala na si Rudy dahil ang mga artista na tulad nila ni Fernando Poe Jr. na mga action superstar at larger than life, parang imposible na magupo ng sakit.
Parang mga Superman ang tingin sa kanila na hindi namamatay tulad ng mga karakter na ginagampanan nila sa pelikula.
Malaking dagok talaga sa showbiz ang pagkamatay nina FPJ at Daboy.
Hanggang ngayon, parang nandiyan pa rin sila, nagbabakasyon lang at isang araw, magbabalik at gagawa uli ng pelikula.
Hay naku, throwback feeling na naman ako. Surreal na hindi ko maisip na matagal nang nangyari ang insidente na ‘yon, matagal nang wala sila sa paligid natin pero buhay na buhay pa rin ang kanilang mga alaala.
Buhay sila sa ating mga isipan at nananatili sa mga puso natin. How we wish it was just a dream at muli nating makikita sina Daboy at FPJ.
Daboy 11 years na sa kabilang buhay
Ginunita kahapon ang 11th death anniversary ni Rudy Fernandez ng mga nagmamahal sa kanya.
I’m sure, muling nagpadala si Jinggoy Estrada ng mga bulaklak sa puntod ni Daboy sa Heritage Park.
Higit pa sa magkaibigan ang turing nina Daboy at Jinggoy sa isa’t isa. Kung nabubuhay pa si Daboy, tiyak na isa siya sa mga aligaga sa pangangampanya sa senatorial candidacy ni Jinggoy.
Nang makulong si Jinggoy ng apat na taon sa PNP Custodial Center ng Camp Crame, walang palya ang pagpapadala niya ng mga bulaklak sa libingan ni Daboy sa Heritage Park. May isang insidente pa nga na humingi si Jinggoy ng permiso sa Sandiganbayan para madalaw niya ang puntod ni Daboy noong All Saints Day pero hindi siya pinayagan.
‘Hindi uso ang perfect’
Naalala ko ang commercial na ginawa ko noon para sa Cebuana Lhuillier kasama sina Sarah Geronimo, Gladys Reyes at Celia Rodriguez dahil dito ko na-discover na hindi talaga ako marunong magsalita sa stage.
Na magaling ako sa daldalan at pagsusulat pero hindi pala ako puwedeng mag-speech.
Sa party noon ng Cebuana Lhuiller para sa kanilang mga empleyado, isa-isa kami na pinagsalita. Thank you lang ang nasabi ko, wala nang iba pa.
Naging endorser din ako ng Polinol, ang tableta para sa pambababa ng cholesterol. Isang buong araw yata bago natapos ang recording ko para sa radio advertisement.
Umiinit na ang ulo ko, hindi ko pa rin makuha ang tamang diction at pronunciation ng mga salita.
Kaloka talaga dahil kapag nagsulat ako, flowing ang mga thoughts na tumatakbo sa utak ko at madali ko maisulat pero hindi ko ma-express kaya may ugali ako na dapat na maintindihan agad ng mga kausap ko ang mga gusto kong gawin at mangyari. Ayoko nang nagpapaliwanag ako.
Kapag may sinabi ako, dapat na basta tanggapin na lang ng mga kausap ko nang hindi nagtatanong. Parang ugali ko rin na right or wrong, basta kaibigan ko doon ako, no alibis, no explanation.
I am not good pala in talking in front of the public pero daldalera pa rin ako.
Hay naku, basta tanggap mo ang mali mo, ang mga bagay na hindi mo kaya, okey lang ‘yon. God is so good sa ibang bagay siya na magdagdag, doon sa kulang ka, tanggapin mo na lang dahil hindi naman uso ang perfect.