Martin at Paolo pinagbigyan si Pops

SEEN: Kagabi ang US trip nina Drew Arellano, Iya Villania at ang kanilang anak na si Primo dahil imbitado sila sa press junket ng Toy Story 4 sa Florida, USA. Tatlong araw lamang ang pananatili nila sa Florida. Dumalo muna sina Drew at Iya sa presscon kahapon ng Season 5 ng Home Foodie.

SCENE: Ang talent manager at beauty queen maker na si Jonas Gaffud ang creative director ng Miss Universe Philippines 2019. Kasabay ng coronation bukas, June 9, sa Smart Araneta Coliseum ng bagong Miss Universe Philippines ang winners ng iba’t-ibang beauty titles ng Bb. Pilipinas 2019.

SEEN: Ang tangkilikin ang pelikulang Pilipino ang panawagan ni Bayani Agbayani sa grand presscon kahapon ng Feelennial, ang comedy movie nila ni AiAi Delas Alas na may playdate sa mga sinehan sa June 19, 2019. Co-star nina AiAi at Bayani sa Feelennial si Jelai Andres, ang Internet sensation na estranged wife ni Jon Gutierrez, ang member ng Ex Battalion na ex-talents ng Comedy Queen.

SCENE: Hindi na pinag-uusapan at parang nabura sa eksena ang Ex Battalion mula nang bitawan ni AiAi Delas Alas ang pamamahala sa singing career nila.

SEEN: Ang DSL Productions ni Pops Fernandez at ang Cignal TV ang mga producer ng Feelennial. May special participation si Pops sa AiAi-Bayani starrer at pumayag din na magkaroon ng cameo appearances sa pelikula ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera at Paolo Ballesteros.

Show comments