Julia very vocal sa walang substance
Gusto ko ang statement ni Julia Barretto na ayaw niya na makipag-usap sa mga tao na walang substance na dapat lang.
Ang oras ang isa sa mga pinakamahalaga natin na possession sa buhay na hindi nararapat sayangin.
Dapat kapag may kausap ka, may mga matututunan ka. Kausap mo siya dahil kailangan o kung nagsasayang ka man ng oras para kausapin ang isang tao. ‘yon eh dahil mahal mo siya.
Wasting your time talking to people na hindi naman makakatulong sa’yo mentally, emotionally at pagiging better person mo, sayang lang ang oras mo.
Ang oras hindi na puwedeng ibalik dahil kapag umandar o tumakbo na ito, wala na.
At mahal ang metro ng ating mga oras. Buhay natin ang umaandar na kinakailangan na bigyan ng importansya.
Bakit mo sasayangin ang panahon sa isang tao na hindi karapat-dapat di ba? Bongga!
Kung walang substance ang isang tao, sarili mo na lang kausapin mo!
Show nina Myrtle, Marcelito at Jovit sa Canada 'di affected sa isyu ng basura
Mabuti na lang, hindi affected ng issue sa mga basura na dinala ng Canada sa Pilipinas ang show na dadalhin ni Elena Budingding sa Winnipeg.
Sina Myrtle Sarrosa, Marcelito Pomoy at Jovit Baldivino ang stars sa concert na may pamagat na Tanghalan ng mga Kampeon na itatanghal sa June 14 sa Petrus Hall, Inkster Boulevard, Winnipeg, Canada.
First time pa naman ni Jerry Telan na bibiyahe sa Canada. Si Jerry ang parang laruan at assistant ni Aileen Go ng Megasoft na aligaga sa costume at damit na dadalhin niya sa Canada dahil rarampa siya sa tatlong lugar.
Twenty days na mananatili sa Canada ang stars ng Tanghalan ng mga Kampeon dahil sa mga concert nila na mapapanood sa iba’t-ibang lugar.
Muntik na kasi na magkaroon ng travel bond dahil sa issue ng basura ang Pilipinas at Canada.
Ewan ko naman kung bakit pinayagan ng Pinoy authorities na ibaba mula sa barko ang mga basura na ipinadala ng Canada sa ating bansa.
Hindi ba nila nainspeksyon agad na basura ang laman ng mga barko na dumaong sa Pilipinas? Kung nakita ng awtoridad na mga basura ang dala ng barko, bakit pinayagan pa na ibaba sa port natin?
Kawawa naman tayo. Parang ang liit ng tingin sa Pilipinas ng Australia, Hongkong at Canada para gawin nila na tapunan ng basura.
Madali naman ma-discover kung sino ang pumayag na tanggapin ang mga basura dahil tingnan lang sa mga dokumento ang consignee, nagpadala at nagbayad sa barko dahil dapat panagutin ang may-sala.
Alam ko na may pera sa mga junk shop kaya may kasabihan na may pera sa basura pero nakakatawa na may import-export business ng basura.
Napakahusay ng utak ng nakaisip ng ganoong klase ng negosyo.
Kawawa naman tayo, ang dami na nating problema sa sariling basura, ginagawa pa na tapunan ng basura ang Pilipinas. Pati nga ang Pasig river na dating napakalinis, naging tapunan na rin ng mga basura.
Salamat na lang dahil na-discover agad ang mga basura mula sa ibang bansa na dinala sa Pilipinas kaya may solusyon agad si President Rodrigo Duterte na nagbitaw ng banta laban sa Canada. Ang ganda-ganda ng Pilipinas, huwag nating hayaan na gawin na basurahan ng ibang bansa, please!
- Latest