Shaina nagsalita sa paglipat ng GMA at sa relasyon kay Piolo!

Shaina

MANILA, Philippines — Nagsalita kahapon si Shaina Magdayao sa sinasabing paglipat  niya sa GMA 7 - as in kasado na raw doon ang sasamahan niyang programa. “I am a Kapamilya. I am here in ABS.

“Sa ngayon, wala (paglipat na magaganap), and meron akong ‘eto, Past, Present Perfect and kakauwi ko lang the other night from CANNES Filmfest, so nilulunok ko pa, dina-digest ko pa lahat ng pangyayari dahil hindi ko ine-expect lahat ng nangyayari sa akin ngayon,” pahayag niya kahapon sa presson ng Past, Present, Perfect, na napapanood sa iWant.

“Saka kung may offer man, malalaman n’yo naman eh. But right now, I’m here in ABS in front of you. Walang galaw na nangyayari. Ang galaw ay ang pag-uwi.”

Nagsalita na rin Shaina sa koneksiyon ng Past, Present and Future niya kay Piolo Pascual na ka-holding niya sa Cannes kung saan pinalabas ang pelikula nilang Ang Hupa ni Lav Diaz sa Director’s Fortnight. “Nasa present, nasa past,” nakangiting sagot niya tungkol sa status ng actor sa buhay niya.

Pero itinanggi rin niyang naging sila ni Papa P “Hindi. Nandiyan lang siya. ”

Sa future kaya may pag-asa para seryosohin.“Hindi ko alam ‘yung future, pero nagpapasalamat ako na kasama siya sa past ko, at nandito pa rin siya sa present ko,” pahayag pa ng aktres.

At totoong-totoo raw ang sagot niya at hindi showbiz.

Nauna na ngang kinumpirma ni Piolo na exclusively dating sila ng actress for the past five years.

So ano talaga ang totoo?

Samantala, may hangover pa si Shaina sa naging karanasan niya sa Cannes kung saan nga nila nakahalubilo ang mga sikat na celebrity sa buong mundo. First time niya itong nakadalo sa Cannes at super honored siya sa naging karanasan. “It’s an honor to represent our country. Ang daming Hollywood stars doon. And hindi rin naman namin naisip na makakarating kami together (ni Piolo) sa CANNES,” kuwento niya.

“Sobrang daming tao. People from all over, lahat ng gustong magpa-discover, lahat ng producers, lahat ng writers, lahat ng artista, gustong mag-artista, model, nandu’n lahat. And overwhelming ‘yung buong place. It’s very much alive.

“Pero we were also busy rin kasi with the interviews para du’n sa film namin dahil nagpunta po kami ru’n to represent our film. Unfortunately, hindi ko na-meet si Brad Pitt at si Leonardo DiCarpio. So, sa panaginip ko na lang po sila imi-meet,” pero nakita naman daw niya sina Robert Pattinson, Willem Dafoe, Julianne Moore at marami pang iba.

Anyway, kasama niya sa nasabing digital series sina Loisa Andalio and Vin Abrenica, among others under the direction of Dwein Baltazar at kasalukuyan na itong napapanood sa iWant, ang streaming provider ng ABS-CBN.

Show comments