Mga artistang nakasama sa trip ni Pres. Digong pilit iniintriga!
Nagkakaroon pala ng ibang kulay ang pagsama ng mga artista sa mga out-of-the-country sojourn ni President Rodrigo Duterte.
Hindi naman kataka-taka ang pagdadala ni Papa Digong ng entertainers dahil kadalasan nagagamit sila sa performance para aliwin ang mga kababayan natin sa ibang bansa.
Hindi rin nakapagtataka na bigyan ng special treatment ang mga artista dahil included sila sa entourage ni Papa Digong kaya dapat lang na maging maayos ang trato sa kanila.
Huwag nang intrigahin ang pagsama ng mga artista sa mga biyahe ni Papa Digong dahil sinabi naman ni Senator Bong Go na upon the request ‘yon ng mga kababayan natin sa abroad.
Tigilan na muna natin ang pulitika dahil may mga nanalo na. Tanggapin na natin resulta ng nakaraan na halalan at trabaho na ang harapin.
Huwag nang mag-complain at maghanap ng maipipintas. Hintayin na lang natin resulta ng mga biyahe ni Papa Digong sa ibang bansa na nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
ROTC makakadagdag ng kapogian sa mga kabataan
Type ko ang pagpasok ni Matteo Guidicelli sa scout ranger training for 45-days sa isang kampo sa Bulacan.
Dahil sa ginawa ni Matteo, naisip ko na dapat ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC para magkaroon ng kaalaman ang mga kabataan ngayon tungkol sa military discipline.
Maganda ang mandatory military service na pinaiiral na batas sa South Korea mula pa noong 1957.
Kahit gaano kasikat ang mga Korean actor, pumapasok sila sa military service sa loob ng dalawang taon.
Natututunan sa military training ang pagkakaroon ng displina, ang paggalang sa ranking at marami pang iba.
Ang ganda-ganda kaya na tingnan ng men in uniforms dahil very authoritative ang dating nila.
Sa local actors natin, sina Dingdong Dantes, Gerald Anderson at Christopher de Leon ang mga reservist.
Naalala ko na reservist din si Rudy Fernandez kaya may bandila ng Pilipinas sa ibabaw ng kanyang ataul nang iburol siya sa Heritage Park. Binigyan din si Rudy ng gun salute dahil reservist siya.
Philippine Airforce reservist naman si Isabel Granada kaya may Philippine flag din sa ibabaw ng kanyang kabaong nang mamatay siya noong November 2017 dahil sa brain aneurysm.
Binigyan si Isabel ng full military honors dahil Airwoman Second Class ang ranggo niya sa Philippine Airforce.
Napakaganda ng mga ganoong parangal na ibinibigay sa mga reservist at kahit ano pa ang sabihin, nakakatulong sa katawan ang military training dahil nagiging physically fit ang mga pumapasok doon.
Type ko na makita ang mga kabataan na nakasuot ng uniporme ng mga military dahil mga lalaking-lalaki ang dating nila.
Mang Ramon malinaw pa
rin ang isip
Dating magkapareha sa pelikula sina former Senator Ramon Revilla, Sr. at Gloria Romero kaya good friends sila.
Muling nagkita ang dalawa sa awards night ng Star Awards for Movies noong Linggo dahil kasama sila sa mga artista na pinarangalan bilang Natatanging Bituin ng Siglo.
Natuwa ang lahat nang makita si Mang Ramon na bihirang-bihira na magpakita sa publiko para personal na tanggapin ang parangal para sa kanya.
Magkatabi sa stage sina Mang Ramon at Tita Glo. Hindi nakaligtas sa paningin ng audience ang paghawak ni Mang Ramon sa kamay ng leading lady niya sa pelikula noong mga bagets pa sila.
Matagal nang may sakit si Mang Ramon pero napakalinaw pa rin ng isip niya kaya siya mismo ang nagpasalamat sa special award na ipinagkaloob sa kanya.
- Latest