SEEN: Nakatulong ang box office success ng Aladdin para magkaroon ng interes ang publiko sa animated musical fantasy version noong 1992 dahil isa ito sa mga in demand movie ngayon sa Netflix. Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang animated version ng Aladdin dahil si Lea Salonga at ang American singer na si Brad Kane ang umawit ng A Whole New World, ang official soundtrack ng pelikula.
SCENE: Mas marami ang nanonood sa Quezon’s Game ng Star Cinema at Kinetek kesa sa Banal ng APT Entertainment Inc. na isa lamang ang screening sa Gateway Cineplex ng suspense-thriller movie nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Andrea Brillantes.
SEEN: May karapatan na manalo sina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro ng acting awards dahil sa kanilang mga outstanding performance sa Quezon’s Game. Perfect si Raymond sa kanyang role bilang President Manuel L. Quezon. Mahuhusay rin ang supporting cast sa Quezon’s Game na must-see movie dahil maraming matututunan tungkol sa kasaysayan at mga pangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni President Manuel L. Quezon.
SCENE: Malakas ang impact ng trailer ng Untrue, ang upcoming movie nina Xian Lim at Cristine Reyes. Inilabas ng Viva Films ang intriguing trailer ng Untrue noong Sabado.
SEEN: Itutuloy ni Manila City mayor-elect Isko Moreno ang Miss Manila contest na ni-revive noong June 2014 ni outgoing Manila City Mayor Joseph Estrada. Ang girlfriend ni Derrick Monasterio na si Kathleen Paton ang reigning Miss Manila.
SCENE: Ang former child actor na si Zaijian Jaranilla ang featured star sa music video ng Heto Na Naman, ang debut single sa Viva Records ng 16-year-old singer na si Hannah Magdales. Sinuportahan din ni Zaijian ang grand launch ng single ni Hannah sa The Music Hall noong Biyernes pero nilinaw niya na magkaibigan lamang sila.