Komedyanteng si Gary Lising pumanaw na!
SEEN: Nag-umpisa na ang training ni Senator Manny Pacquiao para sa boxing fight nila ng American boxer na si Keith Thurman. Magaganap ang Pacquiao-Thurman fight sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa July 15, 2019. Hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang pangmamaliit ni Keith Thurman kay Senator Manny. Biktima ng bashing si Thurman dahil sa kanyang pahayag sa isang interbyu na maliit, mabagal at predictable na ang mga kilos ng Pambansang Kamao.
SCENE: Pumanaw kahapon, June 1, ang comedian na si Gary Lising pero as of presstime, hindi pa sinasabi ng kanyang mga naulila ang dahilan ng pagkamatay niya. Nagkaroon ng tribute show para kay Gary ang kanyang mga kaibigan noong April 2019 sa RJ Bistro dahil gumaling siya mula sa karamdaman niya. Sina RJ Jacinto, Senator Dick Gordon, Ronnie Henares at Jose Mari Chan ang performers sa tribute show ng Ateneo at La Salle para kay Gary. Nakilala si Gary bilang mahusay na komedyante nang maging mainstay siya ng Champoy, ang popular gag show na napanood sa RPN 9 mula 1980 hanggang 1985.
SEEN: Hinihintay ang announcement ng Viva Films sa aktor na ipapalit kay James Reid para gumanap na Pedro Penduko. Ang pagkakaroon ng spinal injuries ang dahilan kaya hindi na matutuloy ang pagbibida ni James sa pelikula.
SCENE: Sina Sarah Geronimo at Nadine Lustre ang mga singer-actress na hinahangaan ni Via Ortega, ang protegee ng entertainment writer na si Mercy Lejarde. Masuwerte ang 13-year-old aspiring singer dahil contract star na siya ng Viva Records at available na sa mga online music streaming service ang kanyang debut single na may pamagat na Paghanga.
- Latest