Awra bumuti ang Buhay sa showbiz
Kamakailan ay nakapagtapos na ng kolehiyo ang ama ni Mcneal Briguela na si Oneal Brian Briguela. Business Management ang kursong tinapos ng ama ni Mcneal o mas kilala bilang si Awra.
Masayang-masaya si Awra dahil malaki ang naitulong ng kanyang pagiging isang artista upang maitaguyod ang pamilya. Isa na nga rito ay ang pagbibigay ng batang aktor ng tulong pinansyal upang makatapos ng pag-aaral ang ama. “Ang sarap bumili ng gamit na pinagtrabahuhan. Parang ang sarap din makita na ang tatay mo ay nakapagtapos dahil sa iyo. Congratulations po kay Papa,” nakangiting pahayag ni Awra.
Nakapagpundar na rin ng sariling bahay at sasakyan ang batang aktor para sa kanyang buong pamilya.
Ngayon ay ipinagpatuloy na rin ni Awra ang pag-aaral sa ordinaryong eskwelahan. Matatandaang nag-homeschool si Awra noong kabi-kabila ang kanyang ginagawang mga proyekto. “Noong time kasi na nag-homeschool ako Tito Boy, ‘Yon ‘Yung time na maraming projects talaga. As in wala talagang time sa pag-aaral. Then noong nag-grade 9 ako, next level. Parang na-realize ko na kahit sobrang daming projects, kaya ko pa ring mag-school. So ni-try kong mag-regular school. ‘Pag homeschool po kasi ikaw ‘yung magkukusa sa sarili mo, magse-search ka. Kapag regular school po kasi, may classmates ka. Nag-varsity (player) pa po ako sa school ng volleyball,” pagbabahagi niya.
Mariel umamin, nagulat nang malamang buntis uli
Noong una ay nangamba si Mariel Rodriguez nang makumpirmang ipinagbubuntis na ang pangalawang anak nila ng asawang si Robin Padilla. Magtatatlong taon na ang panganay na anak na si Isabella at ito raw kaagad ang naisip ng TV host kung paano tatanggapin ang magiging kapatid.
“I was worried. This one is a super surprise. I wasn’t planning it at all. I was in tears. I was worried na how will Isabella react. Kasi she’s the sun and moon and the world in the house. She’s the princess,” paliwanag ni Mariel.
Wala raw problema sa TV host-actress kung magiging babae muli ang pangalawa nilang supling ni Binoe. “Girl or boy, I win either way. Boy, okay because I have one boy and one girl, so perfect. Pero kasi I also have a sister. Dalawa lang kami ng sister ko. And iba ‘yung bond ng sisters. So if she gets a sister, I still win,” paglalahad ni Mariel. (Reports from JCC)
- Latest