Training ni Matteo, pang reality show?!

Matteo

Uy ido-document pala ang pagpasok ni Matteo Guidicelli sa military training as in parang lalabas na documentary show.

Yup, ipalalabas daw ‘yun sa Netflix kaya hindi lang basta training ang gagawin ng aktor sa military camp ayon sa isang source.

Pero totoo raw na magiging reservist ang actor ng Philippine Army kung saan nauna na siyang na-confer na 2nd Lieutenant.

Sana ay maging malaking tulong ito sa Philippine Army at sana ay maka-encourage/attract ng mga gusto pang pumasok sa pagsu-sundalo.

Mga Celebrity Influencer hindi na kapani-paniwalang endorser ng mga pampatabang pagkain

Parang hindi na kapani-paniwala ang ibang endorser ng mga pagkaing nakakataba o mataas ang sodium or sugar content.

Raket kasi ito ng maraming artista ngayon sa social media.

May ibibigay sa kanilang budget para mag-post ng mga product na minsan talagang hindi mo naman paniniwalaan dahil pulos pampapataba ang nasabing pagkain samantalang ang se-sexy naman nila.

Isang malinaw na panlilinlang ang ginagawa nila alang-alang sa pagiging influencer.

Naalala ko ang isang actress na nag-endorso ng isang uri ng pagkain. Nagkaroon ng launching ang nasabing pagkain. So may pa-sample sa mga invited press. 

Walang choice ang nagda-diet na actress kundi kumain ng ini-endorse niyang isang klase ng meryenda sa harap ng mga press. Pero alam n’yo ba kung anong ginawa niya pagkasubo ng nasabing meryenda na pino-promote niya ngayon na tiyak pinagkakitaan niya ng milyones, niluwa niya nang wala nang nakatingin sa kanya. Nilagay sa tissue saka itinapon.

Ganun ang ginawa ni actress na nakita talaga namin. Kaya talagang ‘wag padala sa drama ng ibang celebrity influencer dahil karamihan sa kanila ay mapili sa kinakain at hindi basta-basta sumusubo ng mataas ang sodium o sugar content ng isang pagkain.

Nagpanggap lang...stuntman na nahuli sa illegal possession of firearms/recruitment hindi empleyado ng ABS-CBN

Itinanggi ng ABS-CBN ang lumabas na balitang stuntman nila ang dinakip sa kasong illegal possession of firearms at recruitment noong isang araw.

Ayon sa clarification ng ABS-CBN sa news story na lumabas sa kapatid na pahayagan ng Pilipino Star NGA­YON na Pang Masa, hinding-hindi ito connected sa kanilang network.

“We would like to clarify that the alleged stuntman who was arrested last Monday by the police for illegal possession of firearms and illegal recruitment as cited in some news reports, is not in any way connected with ABS-CBN and has not been part of any of its shows or films.”

Naku malamang nagamit niya ang ABS-CBN nang hulihin siya ng mga awtoridad na akala niya ay hindi mabubuking.

Maraming ganyan ngayon na nagpapanggap na connected sa isang company na ganito o ganyan pero hindi naman.

Nahulihan ng mga armas ang nasabing nagpanggap na si Ryan Cabanas sa Cainta, Rizal noong isang gabi.

Chinese Dramas lumalaban na

Marami na ring magagandang Chinese drama series na napapanood sa mga streaming service na available sa mga internet.

Lumalaban na sila sa K drama though iba talaga ang pagkaadik ng fans sa Koreans.

Ang mga Chinese production lang medyo careless, hindi conscious na maraming eksena na hindi consistent at paulit-ulit ang damit ng mga bida. Hehehe.

Pero ang mga kuwento nila, parang K dramas din. Puro pang kilig, good vibes, masaya, malalim ang kuwento pero minsan magulo rin naman at may baduy na kuwento.

Dumarami na talaga ang kalaban ng mga drama natin. Kaya extra effort ang gawin nila para patuloy na makasabay sa mabilis na mga pangyayari sa viewing habit ng fans.

Show comments