Tama lamang at napapanahon ang desisyon ng magkalabang network na GMA-7 at ABS-CBN na muling ibalik ang mga talent search program nilang StarStruck at The Voice Kids. Sa rami ng naghahangad na maging artista at singer, at meron namang mukha at talento para bigyan kaganapan ang mga pangarap nila, ay hindi mawawalan o mauubusan ng makukuhang kalahok ang mga comebacking programs lalo’t pareho namang nakadiskubre at gumawa ng malalaking personalidad ang dalawang programa na matagal ding nawala sa ere.
Ilang taon na ang nakakalipas nang huling umere ang SS with Migo Adecer and Klea Pineda as winners. Bago sila, unang nakilala sa progama sina Aljur Abrenica, Jennylyn Mercado, Kris Bernal, Miguel Tanfelix, Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, Ryza Cenon, LJ Reyes, Katrina Halili, Mark Herras, Bea Binene at marami pa.
2016 naman ang 4th season ng The Voice Kids na pinanalunan nina Lyca Gairanod (2014), Elha Nympha (2015) at Joshua Oliveros (2016). Sumali rin sa nasabing singing contest para sa mga kabataan ang mga sikat ngayong sina Darren Espanto, JK Labajo at Isabel Vinzon. Huling nagsilbing mentor/judges sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Sharon Cuneta at Bamboo Mañalac. Parehong mga kabataan ang puwedeng mag-audition sa dalawang talent search.
Jameson at Iza sasabak sa ‘loveteam’
Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto, nabigyan ng ideya ang ibang mga nagpo-produce ng pelikula na gumawa pa ng love story na medyo mas nakatatanda ang isa sa kapareha. Hindi naging hadlang ang hindi naging magandang pagtanggap ng manonood sa ganitong tema ng pelikula sa takilya para hindi matuloy ang serye ng IWant na 400 Miles para kina Iza Calzado at Jameson Blake. Nagiging masuwerte lately ang Hashtags member sa tinatanggap na role. Unti-unting pinatutunayan nito na hindi lamang siya sa sayaw maasahan kung hindi sa akting din.
Matatandaan na nanalo na agad siya ng acting award sa pagsisimula lamang niya ng kanyang pag-aartista sa 2 cool 2 be 4gotten. Hindi siya mapag-iiwanan ng maganda at magaling niyang kapareha.
Maris biglang deny kay Inigo!
Bakit biglang kambyo si Maris Racal at nagsabing hindi kailanman naging sila ni Inigo Pascual? Iniligaw lamang ba nila ang fans at supporters nila? Usually ay ito ang senaryo ng mga naghihiwalay na magkapareha sa showbiz, nalalaman lamang na naging sila kapag naghiwalay na. Ito ba ang sitwasyon nila ng anak ni Piolo Pascual na sinuportahan ang tambalan nila hindi lamang sa shows here and abroad kung hindi maging sa pelikula? Shelved na ba ang project nito para sa kanilang dalawa? Ayaw ng fans ng ganyan, Maris. Ayaw nila ng pinasasakay lang sila at hindi tinototoo. Tsk. Tsk. Tsk.
Vice at Anne nagpo-promote na agad ng MMFF movie
Ang aga namang mag-promote ng Metro Manila Film Festival 2019 movie nila sina Vice Ganda at Anne Curtis. Ayaw tuloy maniwala ng followers nila na meron nga silang pelikulang pagsasamahan this Christmas. Positibo ang dalawang host ng It’s Showtime na madadala nila sa movie nila ang maganda nilang chemistry. Kailangang mamintina ni Vice ang kanyang paghahari sa box-office tuwing Pista ng Pelikula. With Anne’s help wish niya na ma-triple pa ang kita ng movie nila.