^

PSN Showbiz

Death anniversary ni daboy malapit na naman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Death anniversary ni daboy malapit na naman
Rudy Fernandez

May feeling of sadness ako sa guesting ni Lorna Tolentino sa Take It... Per Minute! (Me Ganon) natin Salve noong Martes.

Ewan ko pero may na-feel ako na emptiness dahil naalaala ko ang asawa ni Lorna na si Rudy Fernandez.

Parang naroroon din si Rudy, nanonood at tawa nang tawa dahil isa siya sa mga alaga ko na pinakamahilig sa tsismis.

Lahat ng mga showbiz talk show sa TV, pinapanood ni Rudy. Lahat ng showbiz section ng mga diyaryo, binabasa niya at noong nabubuhay pa si Rudy, siya ang madalas na first caller ko sa umaga para itanong ang mga nangyayari at mga bagong balita sa showbiz.

Parang palengke rin ang mga ganap sa Take It…Per Minute, (Me Ganon) dahil habang nanonood, biglang natumba at parang na-heat stroke si Jerry Olea na dumalaw para interbyuhin si Lorna.

Habang pauwi ako ng bahay, parang walang laman ang ulo ko dahil sa iba’t ibang emosyon na nararamdaman ko.

Takot dahil sa nangyari kay Jerry at lungkot dahil naalaala ko nga si Rudy. Pagod na pagod ang pakiramdam ko kaya hindi ko alam kung paano namin naitawid nina Cristy Fermin at Mr. Fu ang programa dahil sa lahat ng mga naganap.

Kaloka talaga, ewan ko kung bakit sa edad na 72, heto pa ang napasok ko. Hahahaha, ang buhay talaga, parang life.

Naisip ko rin siguro si Rudy dahil malapit na ang death anniversary niya.

June 7, 2008 nang bawian si Rudy ng buhay sa White Plains house nila ni Lorna.

Ang pagkamatay ni Rudy ang gumising sa buong Pilipinas dahil early morning nang malagutan siya ng hininga.

Nagpapasalamat ako dahil dinalaw ko pa si Rudy, isang araw bago siya nagpaalam.

Sa June 7, gugunitain ng lahat ng mga nagmamahal kay Rudy ang ika-labing-isang taon na anibersaryo ng pagpanaw niya.

Niña madaling makagaanan ng loob

At this point, wala nang puwede na maka-impress sa akin pero amazing pa rin para sa akin ang ugali ni Niña Taduran, ang former co-host ni Papa Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo.

Nanalo na number one party-list noong midterm elections ang ACT-CIS at isa si Niña sa mga representative.

Grabe ang ipinapakita ni Niña na gratitude sa lahat ng mga tumulong sa kanya at sa ACT-CIS party-list.

I remember na sina Aileen Go ang Megasoft at Elena Bu­dingding ang unang-una na tumawag ng Congresswoman kay Niña.

Dapat daw talaga, ma-imbibe mo ‘yon para matupad kaya congresswoman ang tawag nila kay Niña, kahit noong hindi pa nananalo na party-list ang ACT-CIS.

Nakita ko how Niña worked hard para makilala ng publiko ang ACT-CIS. Talagang umiikot siya at dahil likas ang pagiging friendly at sweet. Madaling nakagaanan ng loob si Niña ng lahat ng mga nakakausap niya.

Hindi rin talaga matatawaran ang kasikatan ni Papa Raffy dahil kapag binanggit ang name niya, malakas agad ang recall sa ACT-CIS.

Hindi pa nga nakakaupo si Niña, abonado na siya dahil sa dami ng mga Chinese food at flowers na ipinadala niya sa Take It... Per Minute! (Me Ganon).

Congrats Nina at una sa pinaka-happy sina Aileen at Elena Bu­dingding na sure ako ibinalita agad kay Sandara Park ang panalo mo. Love you, keep up the good work.

LORNA TOLENTINO

RUDY FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with