^

PSN Showbiz

Coco at Julia binabantayan kung aamin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia binabantayan kung aamin
Coco Martin

Nung October 5, 2018 pa nagtapos ang afternoon TV series na Asintado na tinampukan ng 24-year-old actress na si Julia Montes pero hanggang ngayon ay wala pa itong bagong TV project sa Kapamilya Network. May kinalaman kaya ito sa napabalitang nagsilang umano ito ng baby courtesy of her rumored boyfriend na si Coco Martin?

Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon na nagmumula either kay Julia o kay Coco mismo na may kinalaman sa nasabing balita. But in time, Salve A., ay lalabas din naman ang buong katotohanan.

Ang ipinagtataka lamang ng marami ay kung bakit kailangan pang ilihim ang tungkol dito e pareho naman silang single and un­attached at parehong nasa tamang edad. Coco is 37 (turning 38 on November 1), stable ang income at kaya nang bumuo at bumuhay ng sariling pamilya  habang si Julia ay 24.

May suspetsa ang marami na sobrang nagkalapit sa isa’t isa sina Coco at Julia nang gawin nila ang hit primetime TV series na Walang Hanggan in 2012 na tumagal ng mahigit siyam na buwan sa ere.

Sina Coco at Julia ay magkahiwalay na nakatira sa isang exclusive subdivision in Quezon City.

Max maMAmahinga sa showbiz 'pag nagkaanak na

Sa darating na December 11 ay magda-dalawang taon nang mag-asawa ang kapwa Kapuso actors na sina Pancho Magno at Max Collins.

Since nakapagpundar na ang mag-asawa ng isang malaking bahay in preparation sa pagkakaroon nila ng mga anak, handa na umano ang mag-asawa para sa kanilang first baby.

Kapag nabuntis si Max ay si Pancho muna ang maghahanap-buhay sa kanila at payag naman ang actor na balikan ng kanyang misis ang showbiz career nito kapag puwede na nitong iwan ang kanilang magiging baby.

Kasalukuyang ginagawa ni Pancho ang TV series na Dahil sa Pag-ibig habang si Max naman sa seryeng Bihag both on GMA-7.

Jimmy may nakalimutan

Marami ang nagsasabi na tapos na umano ang karera ng singer-songwriter-composer at  appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte as Asst. VP for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc matapos nitong mag-post sa social media ng “I am so excited to see the biggest TV network close down” na pinalagan hindi lamang ng mga netizen  kundi lalo na ang mga star, talents at mga empleyado ng ABS-CBN na pinangunahan mismo ng The General’s Daughter star na si Angel Locsin.

Nakalimutan marahil ni Jimmy na kahit siya man ay malaki ang utang na loob sa Kapamilya Network dahil maraming beses siyang nakapag-guest bilang acoustic singer sa ilang programa ng nasabing network including It’s Showtime at ASAP. Hindi rin marahil aware si Jimmy na temporary ang kanyang appointive posisyon ngayon.

Si Jimmy ang pumalit sa puwesto ng partner ng King of Talk na si Boy Abunda na si Bong Quintana na appointee naman noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

He must have pushed to wrong button lalo pa’t pagkaraan ng tatlong taon ay magpapalit ng tenants sa Malacañang at ng mga appointee ng bagong uupong Pangulo.

COCO MARTIN

JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with