^

PSN Showbiz

Magpayo nga kayo, sagot ko ‘yan at fastbreak ng DZMM, nagpasalamat

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Magpayo nga kayo, sagot ko ‘yan at fastbreak ng DZMM, nagpasalamat
May Valle-Ceniza at Atty. Joey Lina

May mga bagong aabangan sa tatlong programa ng DZMM tuwing Sabado at Linggo na ibinalita nila sa ginanap na presscon last Friday sa Novotel Manila.

Dinig kasi ang boses ng Pilipino maski Sabado at Linggo sa DZMM, sa tulong ng mga anchor ng mga programang Magpayo Nga Kayo, Sagot Ko ‘Yan, at Fastbreak.

Tuwing Sabado ng 9:30 am, magkasangga ang bigating tandem nina May Valle-Ceniza at Atty. Joey Lina sa pakikinig sa pananaw at suhestyon ng mga ordinaryong Pilipino sa mga isyung malapit sa kanilang puso at nakakaapekto sa kanilang buhay.

Sa kabilang programa ni Joey na Sagot Ko ‘Yan tuwing Linggo naman ng 8 am, ineengganyo rin ang mga tagapanood sa DZMM TeleRadyo at tagapakinig sa DZMM Radyo Patrol 630 na makisali sa diskusyon tulad ng sa isang Barangay Hall assembly matapos niyang ipaliwanag at himayin ang isyung tatalakayin.

Katulad nila, pinapahalagahan din ng mga haligi sa sports na sina Freddie Webb at Boyet Sison ang mga nais na makita o marinig ng mga sports fan na tumututok sa kanilang programang Fastbreak tuwing Sabado ng 3 pm para sa pinakamainit na balita sa sports, mga eksklusibong panayam, at matinding pagsusuri ng mga kaganapan sa mundo ng sports.

Ang nasabing presscon ay bilang pasasalamat na rin sa mga sumusuporta sa kanila na matagal na ring umeere.

Para kay May at Joey, kalakasan ng programa nila ang pagbibigay oportunidad sa karaniwang tao na magbigay ng payo ukol sa mga isyu tulad ng kakulangan sa bigas, pagbaba ng edad ng criminal responsibility, at pagpapabakuna, at nang marinig din sila ng mga kinauukulan.

Ang layunin naman ng Sagot Ko ‘Yan, na itinanghal bilang Best Radio Public Affairs Program sa 8th Makatao Awards for Media Excellence, ay pagbuklurin ang mga ordinaryong Pilipino at mga awtoridad upang sila ay magkaroon ng malalim na pag-uusap kung paano mas mapapabuti ang buhay ng lahat. Tulad nga ng laging sinasabi ng dating senador, kalihim ng gobyerno, at gobernador na si Joey sa programa, “Para sa Diyos, Para sa Bayan, Sagot Ko Yan!

Samantala, sa kredibilidad naman nina Freddie, isang alamat sa basketball at dating senador, at ang beteranong sportscaster na si Boyet nakaatang ang tagumpay ng Fastbreak, ang 25th Golden Dove Awards’ Best Radio Sports Program. Kilala ang programa sa masasaya at puno ng inspirasyon na mga panayam sa mga Pilipinong atleta at maiinit na talakayan at pagsusuri sa mga kaganapan sa mundo ng sports kasama ang mga eksperto sa palakasan.

So abangan sina May Valle-Ceniza at Atty. Joey Lina sa Magpayo Nga Kayo, sina Freddie Webb at Boyet Sison ng Fastbreak tuwing Sabado rin ng 3 pm, at si Joey Lina muli sa Sagot Ko ‘Yan  tuwing Linggo sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo.

DZMM

MAY VALLE-CENIZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with