^

PSN Showbiz

Grupo sa PDEA: Kaysa kanta ni Shanti Dope, druglords ang puntiryahin

James Relativo - Philstar.com
Grupo sa PDEA: Kaysa kanta ni Shanti Dope, druglords ang puntiryahin
Sa pahayag ng Concerned Artists of the Philippines, sinabi nilang maaaring pagdebatihan ang kanta, pero hindi raw trabaho ng PDEA na sikilin ang malayang pamamahayag.
Video grab mula sa Youtube channel ng UniversalRecPH

MANILA, Philippines — Binatikos ng isang progresibong grupo ng mga artista ang panawagan ng Philippine Drug Enforcement Agency na itigil ang pag-ere at pag-promote ng kantang "Amatz" ng rapper na si Shanti Dope, na inaakusahang nag-eengganyo raw ng paggamit ng marijuana.

Sa pahayag ng Concerned Artists of the Philippines, sinabi nilang maaaring pagdebatihan ang kanta, pero hindi raw trabaho ng PDEA na sikilin ang malayang pamamahayag.

"[I]t is not PDEA’s job to be a music critic. Neither is it mandated to promote censorship and the suppression of artistic expression," ayon sa CAP.

(Hindi trabaho ng PDEA maging kritiko ng musika. Wala rin sa mandato nito na busalan ang pagsasalita ng iba at sikilin ang makasining na pamamahayag.)

Nagpadala kamakailan ng liham si PDEA Director General Aaron Aquino sa Movie and Television Review and Classification Board, Organisasyon ng Pilipino mang-aawit at ABS-CBN para ipagbawal ang kanta sa iba't ibang himpilan ng media.

"Kung titignan mo kasi 'yung kabuuan ng kanta, sa umpisa pa lang sinasabi na doon 'Ang lakas ng amats ko.' Paulit-ulit 'yon," sabi ni Aquino sa panayam ng News5.

"It was mentioned, I think, 32 times. If you're listening to that kind of music, 'yon ang maiinstill sa mind mo eh."

(Inulit 'yon, sa tingin ko, ng 32 beses. Kung ganoon ang pinakikinggan mong musika, 'yon ang makikintal sa isipan mo.)

Dagdag pa ng PDEA, nanggaling daw ang salitang "amats" mula sa binaliktad na salitang "tama," na epekto raw ng alkohol o droga.

Sa koro ng awit, pinag-uusapan ang "amats" na "sobrang natural, walang halong kemikal," na iniuugnay sa halamang marijuana.

Pero bwelta naman ng CAP, binubuksan ng awit ang diskusyon pagdating sa droga, na dapat na daw mapag-usapan.

Sa ilang bahagi raw ng kanta, maaaring tutol pa nga raw ito sa pagkakalulong sa bisyo, at napag-uusapan kung paano dapat pakitunguhan ang mga adik, lalo na sa mga linyang sumusunod:

"Amat, dapat ka nga ba dinadama? / Dapat ka nga ba minamata?"

“Sabi nila sa'kin nung bata, ay ano ka kaya pag tanda mo? / Itong hinangad ko liparin ay mataas pa sa kaya ipadama sa'yo ng gramo.”

"If any, the song humanizes drug users and their experience," dagdag ng pahayag ng CAP.

(Kung anu't ano pa man, ginagawa pa nitong makatao ang pagtingin sa mga gumagamit ng droga at kanilang mga nararanasan.)

Nanawagan din ang grupo na iwan na lang ang komentaryo sa mga musikero, fans at publiko.

"Instead, focus on your mandate to jail the big druglords who still roam free... Why is the agency wasting the taxpayer’s money picking on a rap song, instead of reeling in the big fish?" sabi nila.

(Mas mainam na ikulong na lang nila ang malalaking sindikato ng droga na malaya pa rin hanggang ngayon... Bakit nagsasayang ng buwis ang ahensyang ito para bumira ng kanta, kaysa manghuli ng malaking isda?)

Hangga't nananatili raw ang mga nagpapalaganap ng droga, hindi raw basta-basta mawawala ang ganitong kultura, bagay na sinasalamin lang daw ng awit.

Nangyayari ang aksyon ng PDEA sa gitna ng krusada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

'Mali ang pagkakaintindi'

Samantala, nagsalita na rin ang management ng 18-anyos na si Shanti Dope at sinabing mali ang kanilang pagkakaintindi ng kanta.

Kahit na malaya raw ang lahat na intindihin ang kanta, dapat raw ay may batayan upang maging balido ang interpretasyon.

Giit pa nila, hindi nila itinataguyod ang paggamit ng marijuana at hinimok si Aquino na pakinggan ang buong awitin.

"To take apart a song and judge it based on certain lyrics that offend us is unfair to the songwriter; to presume that our reading of a song is the only valid one is offensive to an audience that might be more mature than we think," sabi ng management.

('Yung didistrongkahin mo 'yung kanta at huhusgahan batay sa iilang linya, nakakabastos 'yon sa amin bilang mga manunulat ng awit; 'yung ipaglagay na 'yung pag-intindi natin sa kanta ang nag-iisang tama eh nakakasakit sa audience na maaaring mas matalino pa kaysa atin.)

Dagdag pa nila, dapat ay saklaw ito ng konteksto ng kultural na teksto sa pangkabuuan.

CONCERNED ARTISTS OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHANTI DOPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with