When your heart is full Salve, parang hindi ka talaga makahinga dahil sa overwhelming gratitude na nararamdaman.
Sa edad ko na 72, sa dami ng mga napagdaanan ko na mga kagagahan at sa tagal ko nang nagtatrabaho, inakala ko na nothing can melt my heart anymore pero may mga bagay na hindi puwede na hindi bigyan-pansin.
For so many years, palagi ako pinadadalhan ng pamilya ni former Senator Bongbong at Liza Marcos ng birthday at Christmas gifts, ang mga produkto sa Ilocos na suka, bagnet at cornick.
Sa layo ng bahay ko, hindi pumapalya ang pagdating ng regalo mula kina Bongbong at Liza. Cute little things na ramdam na ramdam ko ang thoughts.
Si Nanette Medved-Po, matagal nang wala sa showbiz pero never na nagdaan ang Pasko at birthday ko na hindi siya nakakaalaala. Mga product ng pamilya Po ang madalas na regalo niya at elated ako sa times na humihingi pa rin siya ng payo mula sa akin.
I feel so happy sa narating na success ni Nanette bilang wife, mother and philan- trophist.
Masaya ako dahil hindi niya pinuputol ang ties that bind us together.
May mga assignment ako na pagkain na ipadadala sa special occasions sa buhay ko ng mga alaga ko na mga anak na ang turing ko.
Nakasali na sa listahan sina Noel Ferrer at Bambbi Fuentes dahil may assignment na rin sila na food para sa akin.
I really feel so loved and important na pati si Susan Co ng S&R at Puregold, nag-text ng birthday greetings niya noong Lunes.
Ang yearly lunch para sa akin ng So family ng Bizaare, ang phone calls nina Dr. Hayden at Vicki Belo-Kho, ang lunch with Rubby Sy ng Flawless at ni Joey Santos ng Obagi at ang walang katapusan na mga intimate lunch and merienda.
I am so grateful, forever grateful. My life is so lucky to have been given such wonderful people to be my friends. God thank you. Salamat po talaga.
DSP maraming big scene
Maganda naman ang pilot episode ng Dahil sa Pag-Ibig noong Lunes dahil big scene agad ang napanood ng televiewers, ang madrama at maaksyon na church wedding ng mga karakter nina Benjamin Alves at Sanya Lopez.
Mag-balae sina Sandy Andolong at Tetchie Agbayani sa Dahil Sa Pag-Ibig, si Sandy ang mabait at understanding na nanay ni Sanya samantalang si Tetchie ang pakialamera, inggitera at mataray na ina ni Benjamin.
Sa unang eksena pa lang, tarayan nang tarayan ang mga karakter nina Sandy at Tetchie kaya type na type ng televiewers ang pilot telecast ng bagong afternoon drama series ng GMA 7.
Interesting ang kuwento ng Dahil Sa Pag-Ibig na mas pinili ni Sandy kesa sa ibang television offers sa kanya.
Masuwerte sina Sanya, Benjamin, Winwyn Marquez at Pancho Magno dahil magagaling na aktres ang suporta nila. Sure na marami silang matututunan mula kina Sandy at Tetchie tungkol sa pag-arte dahil mga seasoned actress ang dalawa.
Sa kabila ng unwanted pounds, sexy pa rin ang aura ni Tetchie na pantasya ng mga kalalakihan noong kabataan niya. Big news sa Pilipinas noong 1982 ang Playboy German edition cover ni Tetchie. Ewan ko lang kung mapapantayan ni Sanya ang tapang ni Tetchie sa pagpapaseksi noong araw.