Quezon’s game ibang klase

Wow, ang ganda nga ng pelikulang Quezon’s Game na ipalalabas sa local theaters starting May 29.

Unanimous A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula na si Raymond Bagatsing ang gumanap na si former President Manuel L. Quezon na in all fairness pag pinanood mo ay parang ang dating presidente ng bansa na nakikita natin sa pera at mga picture nito. Si Rachel Alejandro naman ang nag-portray na  misis ni Quezon na si Aurora, na mahusay niyang nagampanan.

Maraming award na ang napanalunan ng pelikula sa abroad na dinirek ng beteranong si Matthew Rosen.

Sinasabing ang kuwento sa pelikula ang hindi masyadong napag-usapang  aspeto ng buhay ng dating pangulo ng Pilipinas kung saan ginawa niya ang lahat para tulungan ang mga Jewish refugees kahit na maraming nagagalit sa kanya.

Makikita rin dito ang ‘chill’ side niya.

Itinuloy din niya ang pagtulong kahit bumalik ang sakit niyang tuberculosis.

Since December, 23 awards na ang napanalunan ng pelikula sa iba’t ibang international film festival.

Mapapanood ang Quezon’s Game sa May 29, produced ng Star Cinema and Kinetek.

Show comments