^

PSN Showbiz

Dingdong at Ice pumalag sa substitution ng nyc chair

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong at Ice  pumalag sa substitution ng nyc chair
Dingdong Dantes at Ice Seguerra

Nag-react ang dalawang dating Chairperson ng National Youth Commission na sina Dingdong Dantes at Ice Seguerra sa desisyon ng kasalukuyang NYC head na si Ronald Cardema na palitan ang asawa niyang si Duciele Suarez na first nominee sa Duterte Youth Partylist.

Ang order ng Malacañang na i-vacate ni Cardema ang posisyon niya sa NYC dahil sa hiling niya sa COMELEC na palitan ang kanyang asawa.

Hindi napigilan ni Dingdong Dantes na mag-react sa isyung ito.

Kaagad na-pick ng media ang reaksyon niya na ipinost sa kanyang Facebook account.

Sabi ng Kapuso Primetime King; “Clearly, if the petition will be granted, parang na-railroad ang democratic process of choosing the rightful representative. I think we all agree that the young people should never—ever— be disenfranchised, especially in governance. But with the country’s Youth Chief getting into this? Teka lang.”

Dagdag pang pahayag ni Dingdong; “Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag-resign siya bilang NYC Chairman. Pwede bang nagi­sing na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya? Maaari kasing nagamit ang ahensya upang magkaroon siya ng unfair advantage noong kampanya. Malinaw din naman ang batas kontra sa partylist na tumatanggap ng kahit anong suporta o may koneksyon sa gobyerno.

“Nakakalungkot na bilang pangunahing represen­tante ng kabataan ay lumalabas na nakikisali siya sa pag-abuso at pag-circumvent sa Party-List system. Gusto man nating isipin na totoo ang kanyang hangarin, marami siyang dapat ipaliwanag kung paanong nag-withdraw lahat ng nominado ng kanilang Party List at sa biglaan niyang pagpasok bilang substitute ng kaniyang asawa na siyang number one nominee. Eto ba ang values na gusto natin ituro sa mga kabataan?

“Sa ating mga bagong mambabatas, please look into the Party-List system. Ipagtanggol at palakasin po sana niyo ang mekanismong nagbibigay  espasyo sa mga sektor na marinig  ang kanilang mga boses. Wag niyo po sana hayaang masalaula ito ng mga taong uhaw o nalulunod sa kapangyarihan.

“At sa’yo Mr. Cardema, if you really want to serve the young people, you are already in the best position to do so. Tanungin mo si Chairman CY Diño Seguerra, whom i respect so much.”

Pahayag naman ni Ice; “Noong 2016, nangako ako sa Presidente at sa kabataan na ibibigay ko ang lahat nang aking makakaya upang makapagsilbi at maging karapat-dapat na lider. But during my stint as NYC chair, I went through depression. It got worse around December of 2017. Because of my mental health issues at that time, I knew I won’t be able to give them my best. Kaya nag-resign ako kasi hindi ko na maibigay ang 100% ko sa serbisyo. The Filipino youth deserves someone na makakapagsilbi nang buong puso, katawan, utak at kaluluwa.

“Kaya nalulungkot ako sa nangyayari. The youth deserves so much better than this.”

Naalala ko ring bago nag-endorse si Arnelli Ignacio ng isang Party-list na tumakbo nung nakaraang eleksyon, nag-resign muna siya.

Di ba dapat iyun ang unang ginawa ni Cardema nung simula pa lang ng kampanya?

Parang ang off nga naman itong ginawa niya, kaya hindi napigilang mag-react nina Dingdong at Ice.

Glydel masaya sa taping kahit inuumaga

Napag-usapan namin minsan ni Glydel Mercado ang taping niya sa Kara Mia na sobrang nag-i-enjoy daw siya dahil ang gaan daw ng mga katrabaho niya.  Parehong close raw siya sa dalawang bidang sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, dahil walang intrigahan at close raw talaga ang dalawa.

Kaya kahit inuumaga, di nagrereklamo si Glydel dahil kahit napakabigat daw ng mga eksenang kinukunan, madali lang sa kanila dahil walang nega sa set.

Wish ni Glydel na magtatagal pa ang Kara Mia dahil maganda raw ang nabuong friendship ng buong cast.

Bidang aktor nagiging Incredible Hulk ‘pag nagagalit!

Totoo kayang si ‘Incredible Hulk’ ang code nila kay lead actor ng isang drama series?

Ngayon lang kasi nila nasaksihan kung paano magalit itong si lead actor.

Ang layo raw talaga sa amo ng mukha ni aktor kapag nagagalit ito.

Kahit anong pilit namin sa ilang production staff ng drama series na kinabibilangan ni lead actor, tikom ang bibig nila at ayaw talaga akong sagutin.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang ginawa niya at kung paano siya nagwala nang nagalit ito minsan sa taping ng naturang teleserye.

DINGDONG DANTES

ICE SEGUERRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with