Mikael at Max magpapakilig sa umaga

MANILA, Philippines — Simula ngayong Lunes (May 20), handog ng GMA Public Affairs ang isang kakaibang kuwento ng pagkakaibigan sa pinakabagong live animation series na Alex & Amie kasama sina Kapuso stars Mikael Daez at Max Collins.

Ano nga ba ang gagawin mo kung ngayong matanda ka na ay biglang babalik ang imaginary friend mo noong bata ka pa?

Ito ang kwento ni Alex (Mikael Daez)  at ang kanyang kakaibang best friend from another world na si Amie.

Si Alex ay isang teacher sa Buenavitez Institute of Learning. Masu­ngit,  seryoso, at walang nakakalagpas sa kanya. Kaya naman siya ang naatasang ma­ging adviser ng pinaka-noto­rious na mga es­­tu­dyante ng eskwelahan. Pero magbabago ang seryosong mundo ni Alex sa biglang paglitaw ng isang kaibigan na akala niya’y nakalimutan niya na – si Amie!

Paano niya haha­rapin at didisiplinahin ang kanyang mga estudyante kung may nakabuntot sa kanyang imaginary friend na walang ibang nakakakita kundi siya? Gulo ba ang hatid ni Amie sa buhay niya o si Amie ang magiging dahilan para mapalambot ni Alex ang mga pasaway niyang estudyante?

Makakatagpo ng pag-ibig si Alex sa school nurse na si Bing (Max Collins) at laking selos naman ng karibal niyang co-teacher na si Patrick (Dominic Rocco).  Pero paano kung aakalain ni Bing na may girlfriend na si Alex na ang pangalan ay Amie?  Mauunsiyami nga ba ang napipinto niyang lovelife dahil sa makulit na imaginary friend?

Kasama rin sa programa sina Dexter Doria, David Remo, Leanne Bautista, at iba pang surprise guests.

Gumising na ng maaga at tumutok sa Alex & Amie, Lunes hanggang Biyernes, 8:30 am sa GMA 7.

Show comments