Kung ginusto ni Kring Kring Gonzales ay puwede niyang naipanalo ang muling pagtakbo niya bilang mayor ng Tacloban for her second term pero, minarapat niya na huwag na muling tumakbo at suportahan na lamang ang asawang si Alfred Romualdez na bago siya ay siyang mayor ng Tacloban. Ibinalik niya ang pagkakataong muling magampanan ng kanyang mister ang posisyon na hindi naman ipinagkait dito ng mga kaprobinsya nila dahil naging mahusay naman itong tagapamahala ng kanilang lungsod bago siya.
Ngayong bakasyon siya sa pulitika ay pagtutuunan muna ng pansin ng dating artista ang kanyang mga anak na sina Sophia at Diana na natutuwa na marami na naman siyang panahon para sa kanila. Aasikasuhin din niya ang mga negosyo niyang Patio Victoria na may dalawang branches, isa sa Intramuros, Manila at isa sa Tacloban. May isa pa siyang maunlad na negosyo, ang Cristina’s Beauty Salon na nasa Tacloban din.
Akting ni Atom napansin ng PMPC
Lumabas na kahapon ang mga pangunahing nominasyon para sa major awards na ipagkakaloob ng PMPC sa mga bituin na may mga pelikulang ginawa ng nakaraang taon at kasali sa mga mabibigyan ng parangal sa ika-35th Star Awards for Movies na magaganap sa June 2 sa Resorts World Manila. Sa karamihan nito ay hindi nagkasya at natapos sa isang isyu lamang kaya inilalabas ko ang mga nalalabing nominees sa major categories.
‘Di tulad sa mga nakaraang Star Awards, parang mas marami ang interesado ngayon sa kategoryang New Male Actor, siguro dahil nominado sina Atom Araullo, Mackie Empuerto ng TNT Boys, Tony Labrusca na muling naibalik ng Sino ang May Sala ang kasikatan, Darren Espanto at Donny Pangilinan.
Pinuno ng inquiries nila ang social media account ko, lalo na ang Facebook. Ito na sila.
MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR: Art Acuña – Goyo: Ang Batang Heneral; Arjo Atayde – BuyBust; Joem Bascon – Double Twisting, Double Back; Tirso Cruz III – Rainbow’s Sunset; Gabby Eigenmann– Citizen Jake; Teroy Guzman – Citizen Jake; Tony Labrusca – ML; Joel Lamangan – School Service; Jeffrey Quizon – Goyo: Ang Batang Heneral; Aaron Villaflor – Mamu And A Mother Too.
MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR: Ria Atayde - The Hows Of Us; Angeli Bayani – Walwal; Max Collins – Citizen Jake; Sunshine Dizon – Rainbow’s Sunset; Jean Garcia – The Hows Of Us; Cherie Gil – Citizen Jake; Therese Malvar – Distance; Aiko Melendez – Rainbow’s Sunset; Daria Ramirez – Signal Rock; Nova Villa – Miss Granny.
NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR; Atom Araullo – Citizen Jake; Darren Espanto – The Hows Of Us; Danzel Fernandez – Otlum; Dennis Garcia – Hapi Ang Buhay; Tony Labrusca – ML; Iyah Mina – Mamu And A Mother Too; Donny Pangilinan – Walwal; Ricci Rivero – Otlum; Ryle Santiago – Bakwit Boys; Brandon Vera – BuyBust.
NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR: Iana Bernardez – Gusto Kita With All My Hypothalamus; Garie Concepcion – The Lease; Kisses Delavin – Walwal; Mai Fanglayan – Tanabata’s Wife; Ali Forbes – Rainbow’s Sunset; Sanya Lopez – Wild And Free; Winwyn Marquez – Unli Life; Gabby Padilla – Billie And Emma: Heaven Peralejo – Harry And Patty; Mia Suarez – Hapi Ang Buhay.