Toni at Alex nanahimik sa nangyari sa tatay!

MANILA, Philippines — Nanahimik na ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa pagkatalo ng tatay nila sa pagkamayor sa Taytay noong nakaraang Monday.

Naging masigasig ang magkapatid sa pangangampanya sa kanilang mga social media accounts, pero sadly, hindi pinalad ang ama nilang dating vice mayor na si Carlito “Bonoy” Gonzaga.

Maging ang ini-endorse ni Alex na Partylist ay obviously ay hindi rin niya natulungan. Balitang binayaran si Alex ng P4 million ng nasabing Partylist group.

Well, hindi man sila nakapagpanalo noong election magkasama naman sila sa reformatted comedy show na Home Swettie Home : Extra Sweet.

Yup si Alex ang bagong dagdag together with Luis Manzano, Vhong Na­varro and Bayani Agbayani sa comedy show na nilayasan nina John Lloyd Cruz and Piolo Pascual.

At luckily, mas tumaas daw ang rating nito nang madagdag sila Luis.

Ang buong akala ni Toni ay matsutsugi na ang programa nila matapos nga ang ginawa ng dalawang aktor sabay nabalita pa noon na papalitan ito ng sitcom na pagbibidahan nina Ogie and Regine Alcasid pero mas pinaganda pa ito na nagkaroon ng press launching the other day.

Show comments