Tiyak na kakaiba ang ligaya na nadarama ni Vic Sotto sa panalo ng kanyang anak na si Vico as mayor of Pasig City at ganito rin siguro ang feeling niya kapag nananalo ang daughter niya na si Paulina sa mga golf tournament na sinasalihan.
Close kay Bossing ang lahat ng mga anak nito at kitang-kita ang kanyang pagmamahal sa bawat isa kaya palagay ko, iba rin ang kanyang closeness kay Talitha, ang daughter nila ni Pauleen Luna.
Nakita natin how loving si Bossing sa pagkarga nito sa napakabigat na si Talitha at ang kanyang worry kapag may sipon at ubo ang baby.
Vic Sotto may not be a perfect partner but definitely, he’s a good father and provider. Ang closeness ni Bossing sa lahat ng mga anak niya , ang paggalang at pagmamahal ng mga ito sa kanya ang isang patunay na good father siya. Congrats father of Mayor Vico, sure ako with you around, may good support ang bagong halal na mayor ng Pasig City.
Dingdong at Marian ginawang baby toy ang bunso
Kaloka sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil isang buwan pa lang ang kanilang anak na si Ziggy, isinakay na agad sa motorsiklo at inilagay sa banyera para sa family pictorial nila.
Dahil medyo malaki na ang panganay na si Zia, si Ziggy ang naging baby toy ng mag-asawa.
Kitang-kita ang personal na pag-aalaga kina Zia at Ziggy ng mommy at daddy nila na kahit may ibang mga ginagawa, may time para sa dalawang bata, lalo na si Marian na personal na namamahala sa lahat.
Lucky kids for having parents like Dingdong and Marian na mga mahal ni God na nagbigay sa kanila kina Zia and Ziggy.
Kris nalusutan
Sobra ang kilig na napi-feel ko pag nababasa ko ang comments ni Kris Aquino sa ilang mga post ko sa Instagram Mama Salve.
Knowing Kris na may pagkamaldita sa kanyang mga binabasa, elated ako na pinagtitiyagaan niya na basahin ang mga long post ko.
Knowing ni Kris ang moments na bait-baitan school of acting ako at ang moments na inis na ako.
Mahusay si Kris na magbasa ng character ng tao kaya nagtataka ako kapag may nakakalusot sa kanya na user at plastic.
Madaling ma-feel ni Kris kung ine-eklay lang ito o nagbabalak ang tao na gamitin siya.Very sharp si Kris pagdating sa mga bagay na ganyan kaya kapag binigyan ka niya ng tiwala at payagan na ma-penetrate ang kanyang defences, ibig sabihin may seal of approval niya kaya nga shocked ako nang pumutok ang isyu tungkol sa kanila ni Nicko Falcis.
Paano nangyari na napunta si Nicko sa elite circle of friends ni Kris, tapos may ganoong pangyayari? Well, I hope okey na ang lahat, maayos na sana ang mga problema at wala ang legal tussles. Thank you Kris for following me on Instagram.
Away nina Joey at Jeremy may konek sa pulitika
Nagulat ako nang malaman ko na may feud pala ang mag-ama na Joey at Jeremy Marquez dahil ito ang isyu na ipinasagot kay Winwyn Marquez ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Dahil Sa Pag-Ibig, ang afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa Lunes, May 20.
May kinalaman sa pulitika ang diumano’y silent feud ng mag-ama kaya hindi sinuportahan ni Joey ang vice mayoral bid ni Jeremy sa Parañaque City. Parehong mabait sina Joey at Jeremy kaya wish ko na mawala na ang kanilang tampuhan at magkasundo na sila.