MANILA, Philippines — Ipalalabas na sa bansa ang award-winning film na Quezon’s Game this May.
Maraming award na ang napanalunan ng pelikula sa abroad na dinirek ng beteranong si Matthew Rosen who has been directing for 36 years and winning 50 awards for his work sa commercial ang music videos.
Si Raymond Bagatsing ang gumanap na si former President Manuel L. Quezon and si Rachel Alejandro ang misis na si Aurora Quezon.
Iikot ang pelikula sa nakatagong chapter ng buhay ng dating pangulo ng Pilipinas na hindi umano mababasa sa kahit anong libro ng Araling Panlipunan. Nakaka-focus ito nung time when he, kasama ang kanyang comrades, rescued Jewish refugeess from the ghettos of Germany and Austria in 1938.
What seems within their power at first, turns out to be a fraught with astronomical obstacles. Ito ay sa kabila ng pakikipaglaban niya pa sa nagbalik niyang sakit na tuberculosis.
At sa kanyang final days, bago naganap ang isa sa hindi masyadong alam pero uplifting stories sa Philippine history, nagtanong si Quezon : “Could I have done more?”
Since December, 23 awards na ang napanalunan ng pelikula kasama na ang Best Director, Best Actor, Best Producer, Best Foreign Film and Best Cinematography, mula sa iba’t ibang international film festivals tulad ng World Fest, IndieFest Film Awards, Accolade Global Film Competition, Maryland International Film Festival, Ramsgate International Film & TV Festival and REMI Awards.
Sa World Fest pa lang, humakot na ang pelikula ng Excellence in Acting for Raymond and Rachel, Excellence in Supporting Actor for Billy Ray Galloon, Excellence in Directing, Excellence in Produced Screenplay, Excellence in Lighting, Excellence in Original Score, Excellence in Sound Design and Excellence in Production Design,
Mapapanood ang Quezon’s Game sa May 29, produced ng Star Cinema and Kinetek.
Sana lang ay ma-appreciate ang pelikula ng mga manonood na obviously ay abala pa sa nagaganap na bilangan ng mga senador dahil parehong hindi maganda ang kita ng dalawang pelikulang pinalabas nung Miyerkules na Kuwaresma and Between Maybes.