Mga Bekis na bida sa basketball, magdi-dribble sa Magpakailanman

Mart Escudero

MANILA, Philippines — Limang mga bekis na magkakabarkada mula Tondo ang nagsama-sama dahil ang bawat isa sa kanila ay nahilig sa basketball. Kahit na mga beki sila ay di sila magpapatalo mapalalake, tomboy man ang kanilang kalaban. Dahil dito ay nakilala ang kanilang grupo na ADA KRAB sa Tondo kung saan sila ang tinaguriang Beki Beauties ng Tondo. Tuwing may pa-liga o pa-fiesta sa kanilang lugar ay sila ang nagiging entertainment dahil sa kakaibang style nang kanilang paglalaro ng basketball. Malambot man daw sila pero lumalaban para lang sa premyo.

Pero ang bawat isa sa kanila ay may iba’t-ibang kwento. Si Iwa ay pilit na tinataguyod ang kanyang pamilya, pero may malasakit sa kapwa at pagtulong kaya siya ang tinaguriang beki-kagawad. Si MC naman ay nung malamang ampon siya ay nagpursige siyang makatapos sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagiging working student. Si Amor di man tanggap ng sundalo niyang ama ay may lihim na nakaraan para lang mabuhay siya at masuportahan ang pamilya. Si Jayson ang pinakabata sa grupo na ulila na at siya ay inampon ng ADA KRAB dahil sa hirap at pangungulila sa magulang. Si Ola hirap man sa buhay, lahat ng klase ng raket para kumita lang para sa magulang niya ay ginawa na.

Ang Beki Basketball Beauties ay pinangu­ngu­nahan ni Mart Escudero as Iwa, Phytos Ra­mirez as MC, Donita Nose as Amor, Buboy Villar as Jayson, Kelvin Miranda as Ola, Ralph Noriega as Harold, Tom Olivar as Tatay Eddie, Gigi Locsin as Nanay Belen, Ollie Espino as Tatay Paeng, Anthony Rosaldo as Jade, Arny Ross as Juliet at JC Tan as Rigor. Sa direksyon ni Jorron Monroy, sa malikhaing panulat ni Ms. Vien Ello at pananaliksik ni Gel Lauño.

Show comments