Malapit nang magkaroon ng baby ang mag-asawang Karel Marquez at ang businessman husband nitong si Sean Fariñas na isang baby boy. Ang ipinagbubuntis ngayon ni Karel ay pangatlo na niya dahil may dalawa siyang anak sa kanyang dating karelasyon na si Arman de Guzman na sina Keiley at Kyler. Kung hindi nagka-miscarriage si Karel in 2017 ay dalawa na sana ang anak nila ni Sean.
Si Karel ay anak ng kanyang estranged parents na sina Pinky Marquez (singer-actress) at si Dr. Eduardo Santos.
Sina Karel at Sean ay nagsimulang magkaroon ng relasyon in 2012 and got engaged nung May 6, 2016 at nung December 1, 2016 ay ikinasal ang dalawa.
Korina naalala ang nanay sa kambal na anak
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-celebrate ng Mother’s Day ang veteran news anchor and longtime TV host ng Rated K na si Korina Sanchez-Roxas dahil sa pagdating sa kanilang buhay ng husband niyang si Mar Roxas ng kanilang kambal na anak na sina Pepe and Pilar, now three months old.
Very hands-on mom si Korina sa kanyang kambal at ganundin naman ang kanyang mister na si Mar kapag ito’y nasa bahay at walang commitment.
Ngayon lubos na naaalala at naa-appreciate ni Korina ang sakripisyo ng kanyang namayapang inang si Celia Sanchez sa kanilang magkakapatid nung ito’y nabubuhay pa.
Speaking of Korina, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi pa rin nito binabalikan ang kanyang pagiging news anchor sa Kapamilya network.
Samantala, sa araw na ito o sa susunod na mga araw ay malalaman ang resulta ng mga kumandidato sa pagka-senador at dito malalaman kung makakabalik pa rin sa senado ang mister ni Korina na si Mar.
Marian mas malalim na sa Mother’s Day
Wala na sigurong mahihiling pa ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong dalawa na ang kanilang supling, ang more than three-year-old nilang panganay na si Maria Letezia or Zia at si Jose Sixto Dantes III or Baby Ziggy.
Bukod sa Mother’s Day, magiging masaya at fulfilling din ang magiging Father’s Day celebration ni Dingdong with his family next month sa pagdating sa kanilang buhay ni Marian ni Baby Ziggy.
Ang pagbubuntis ni Marian kay Baby Ziggy ang naging dahilan kung bakit hindi in-entertain ni Dingdong ang pulitika pero hindi umano niya ipinipinid ang pintuan sa larangan ng public service in the future.