Pamilya Legaspi naagawan ng ice cream endorsement
Marami ang nagtaka na makita na bago na ang mga endorser ng isang label ng ice cream sa bansa. Nasanay na kasi tayong lahat na makita na ang pamilya Legaspi nina Zoren, Carmina at kambal nilang sina Mavy at Cassie ang nagpapalaganap at kumakain ng isang popular na brand ng ice cream hindi lamang sa TV kundi maging sa mga posters at billboards nito.
Ang Muhlach nina Aga, Charlene at ang kambal nilang sina Andres at Atasha naman ang bagong endorser ng nasabing popular na palamig ng bansa. Marami ang nag-akala na bagong bersyon ang TV commercial ng isang chicken house na unang ininderso ng mga Muhlach until makita na ice cream pala at hindi manok ang kinakain nila.
Tapos na ba ang kontrata ng mga Legaspi para sa nasabing ice cream brand? Sana lang ay hindi ito pagsimulan ng disgusto sa pagitan ng dalawang kilala at popular na showbiz family. After all, all is fair in love, war, and endorsement.
James at Nadine going strong kahit hiwalay muna
Going smooth at stronger pa rin ang lovelife nina James Reid at Nadine Lustre sa kabila ng paghihiwalay ng landas ng kanilang mga karera. Magkasama nilang ipinagdiwang ang 26th birthday ni James sa El Nido, Palawan. Pwede namang silang dalawa lamang pero isinasama nila sa selebrasyon ang ilan nilang malalapit na kaibigan. Hindi rin naman talagang magkahiwalay ang dalawa dahil may special participation si Nadine sa pelikulang Pedro Penduko ni James. Kapag sinuwerte si Nadine ay baka makuha pa rin niya ang role ni Darna. Marami ang boto sa kanya para maging Darna, kasama na ang aktres na si Lorna Tolentino, open ito sa pagi-endorse sa kanya para maging Darna.
Darren mahusay sa biritan
Patuloy din naman ang pagtatagumpay ng singing career ni Darren Espanto. Napili sila ni Morisette Amon na kantahin ang Filipino version ng sikat na awiting A Whole New World na kakantahin nila sa promo ng Aladdin movie rito sa bansa. Malaking push ito sa pagkanta ni Darren na ikinagulat ng lahat ay nakakabirit din pala.
Maraming botante walang asenso
Hindi rin pala naging tahimik ang naganap na eleksyon kahapon. Daming nahuli for vote buying. Ayaw talaga ng maraming Pinoy na umunlad ang ating bansa at pumapatol pa sa mga ganitong masasamang gawain, and yet sila ang unang nagri-reklamo kapag may problema ang bansa.
- Latest