Alam mo ba Salve na naging magkaibigan muna sina Rhea Tan ng Beautederm at si Lorna Tolentino bago ito naging endorser ng Iconic Beaute?
Natatandaan ko na noon ko pa napapansin ang mga scented candle sa bahay ni LT sa White Plains na courtesy of pala ni Rhea.
Hindi pa kami magkakilala ni Rhea pero friends na sila ni Lorna na blessing in disguise dahil noon ko pa gustong-gusto na maging endorser si LT ng Beautederm.
Flawless endorser si LT pero ang services at hindi ang mga product ang mga endorsement niya. Kung ano ang walang beauty products sa Flawless, ang Beautederm products ang ginagamit niya.
Nakakatuwa rin dahil iisa ang abogado nina Lorna at Rhea kaya marami sila na in common. Welcome na welcome si Lorna na bagong beauty ambassador ng Beautederm dahil lahat ng mga artista na endorser nito, mga kaibigan niya, lalo na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado na mga alaga ko rin. Beauty is Beautederm di ba Sam at Rhea Tan?
Samantala, mapapanood si Lorna sa FPJ’s Ang Probinsyano hanggang sa September 2019 na sure na ikatutuwa ng fans niya.
Malakas ang impact at ang recall ng participation ni LT sa Ang Probinsyano dahil Lily na ang tawag sa kanya ng mga tao na nakakasalamuha niya.
Lily ang name ng character ni LT sa Ang Probinsyano pero kakaiba ang personality niya sa primetime teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Happy si LT dahil nagkasama uli sila ni Coco sa isang teleserye ng ABS-CBN.
Nang tanungin si LT tungkol kay Coco ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Beautederm, sinabi niya na hindi pa rin nagbabago si Coco na mabait at may respeto sa kapwa.
Ang kaibahan lang, isa na si Coco sa mga direktor ng Ang Probinsyano, hindi na siya basta artista lang.
Botohan na…
Maaga ako na nagising kahapon dahil nasa isip ko ang listahan ng mga iboboto ko ngayon na hinihingi ni Mario Dumaual ng TV Patrol.
Gusto na naman yata ni Mario na ma-bash ako ng haters or baka gusto niya na kopyahin ang mga iboboto ko na senatorial candidates.
I’m sure, may idea na ang lahat sa mayor, vice-mayor at congressman sa Quezon City na iboboto ko sa eleksyon na mangyayari ngayon.
Secret ko ang mga senator na isusulat ko sa balota. Basta kung sino ang mga nasa puso ko, sila ang mga iboboto ko kahit ayaw ng bashers ko.
At dahil Mother’s Day kahapon, medyo sentimental ako. Sabi ko nga, masarap na may nanay ka pa na binabati ng happy mother’s day.
Isang ina na dadalhin mo sa restaurant para i-blow out siya. Nanay na rin ang dapat na trato o turing sa mga kapatid o anak na babae na ginagawa ang responsibilidad ng isang ina para sa kanilang pamilya.
Ilaw ng tahanan ang isang ina at tayong mga anak kahit gaano katanda, nakasandal pa rin sa nanay natin.
Kahit wala na ang ating mga ina, hindi puwedeng mawala sila sa isip at puso natin, our mother, ang habang buhay natin na kaibigan, taga-pagtanggol at nagmamahal sa atin.