Kabayan, Ted, Bernadette, at Karen, mangunguna sa Halalan 2019...
MANILA, Philippines — Ibabandila ng ABS-CBN News ang pinaka-komprehensibong pagbabalita ngayong eleksyon simula bukas (Mayo 13) sa Halalan 2019: Ipanalo ang Boses ng Pilipino special election coverage sa TV, cable, radyo, at online.
Mangunguna sa pagpapahayag ng pinakabagong updates at maiinit na balita ang mga sikat na news anchor sa bansa na sina Noli ‘Kabayan’ De Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Zen Hernandez, Alvin Elchico, Gretchen Ho, at Anthony Taberna. Katuwang din nila sa paghatid ng kwento at pananaw sa halalan ang ABS-CBN Regional at ABS-CBN News bureaus sa Amerika, Middle East, at Europe.
Mapapanood ang Halalan 2019: The ABS-CBN Special Coverage simula 5 am sa Linggo, Mayo 13.
Tuloy-tuloy naman sa loob ng 36 oras ang paghahatid ng balita ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo na magsisimula ng 4 am ng Mayo 13 hanggang 4 pm ng Mayo 14, 2019. Tutulungan din ng DZMM ang mga Kapamilyang magkakaproblema sa pagboto sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga ahensya sa gobyernong makakatulong sa kanila.
Isa’t kalahating araw din ang itatagal ng election coverage ng ANC simula 4 am tampok ang mga live report mula sa iba-ibang presinto sa Pilipinas at sa ibang bansa. Mangunguna naman dito ang mga batikang broadcast journalist na sina Tina Monzon-Palma, Karen Davila, Lynda Jumilla, at Cathy Yang.
Expect na natin na pabonggahan ang coverage ng bawat TV station ngayong eleksiyon, GMA 7, TV5 plus IBC 13 kaya ang winner of course ay ang viewers.
- Latest