Dimples ibang-iba ang anyo sa kadenang ginto!

Dimples

Dahil sa kanyang karakter bilang si Daniela sa Kadenang Ginto ay nakatatanggap ngayon ng death threats si Dimples Romana. “Ang dami kong nakukuhang death threats. Gusto nila akong patayin, gusto nila akong saktan. Pero every time naman na nakikita ko sila, nagpapa-picture sila. They would hug me,” kuwento ni Dimples.

Maging ang asawa ng aktres na si Boyet Ahmee at tinatawagan na rin ng mga kaibigan dahil sa mga pinaggagagawa ng aktres sa nasabing serye. “Most of my friends call up my husband and always say, ‘Grabe si Dimps! How is she doing this?’ Because as a person I’m very chill. Everybody close to me know that I don’t ever get upset,” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, mainit na pinag-usapan ng mga manonood ang buhok o wig na ginamit ni Dimples sa serye. Nagkaroon pa umano ng sariling Facebook account ang wig na ikinatuwa naman ng aktres. “Meron na ngang Facebook fan page ‘yung wig lang ni Daniela. We are just so cool because the wig of Daniela is a very big part of how I do my character. Nakakatuwa kasi meron pa ngang nagta-tag sa akin or naghe-hairstyle sila ala Daniela. Tapos ginagaya nila ‘yung acting. It’s always very flattering and humbling at the same time because as actors, we always want to be able to affect our audience in a way that’s more personal to them,” paglalahad ng aktres.

Malapit sa puso ni Dimples ang pagsusuot ng wig dahil madalas siyang nagsusuot nito noong bata pa dahil sa kapatid niyang namatay. “Sanay ako mag-wig because I had a sister who had leukemia. So she lost all her hair no’ng mga bata pa kami. So ang laro talaga namin noon nagsusuot kami ng wig, nagwi-wig din siya para she won’t feel na para siya lang gumagawa no’n,” nakangiting pahayag ng aktres.

Dominic abala sa pag-eensayo ng karera ng kotse

Bukod sa pagiging isang artista ay nahihilig na rin ngayon sa car racing si Dominic Roque. Hindi masyadong aktibo ngayon sa tele­bisyon ang aktor kaya nagagawa niya ang hilig sa pangangarera. “I’m into the second year sa Formula V1. May ginagawa akong movies pero sa serye wala pa ako, medyo pahinga. Lately mas naging flexible sa work. I’m dri­ving a Formula V1 now. It’s like the next step from Vios cup racing. A petroleum company got me to race for them. So we had another one this year,” pagbabahagi ni Dominic.

Nagsimula ang hilig ng binata sa karera gamit ang motor ilang taon na ang nakalilipas. “I started in 2015, nag-race ako for a year. Grabe ‘yung adrenaline na naibibigay. But the risk of having an accident masyadong mataas and hindi siya fit sa trabaho ko. So it was better to do something else na medyo close which is ‘yung car racing. Mas safe siya,” pahayag ng aktor.

Pinaghahandaang mabuti ni Dominic ang susunod na karera dahil napabalitang makakalaban niya rito si Matteo Guidicelli na nakilala rin sa racing bago pa naging artista. “It’s going to be more competitive and challenging. I heard Matteo is entering which is a threat to me also because I’ve been racing cars for only two years. Siyempre napakagaling ni Matteo because he came from go-kart and nag-champion na siya do’n many times. I need to focus now sa racing kasi it’s going to be more challenging nga because of the other racers,” pagtatapos ni Dominic. (Reports from JCC)

Show comments