Fans nina Maine at Alden matindi na ang kumpetisyon!

Maine

Umalis kahapon si Alden Richards patu­ngong New York para sa event doon ng GMA Pinoy TV.

Lilipad lang siya pa-Amerika, nag-trending pa ito dahil sa todo ang suporta ng fans.

Trending ang hashtag na #SafeSkiesAlden kahapon at nung kamakalawa lang ay meron din silang pina-trending para sa Pambansang Bae para maipaabot lang ang kanilang suporta.

Ang tingin ko nga tumutulong na rin diyan ang fans ni Kathryn Bernardo na may pa-trending din sila ng hashtag na #JoyKoSiKathryn.

Si Joy ang karakter ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye na sa July pa raw ang showing.

Nung nakaraan nga ay nakita ko ring nag-trending ang #EthanIsAlden.

Sa kanilang thread din ay nababasa ko nang ngayon pa lang ay inaayos na nila ang schedules ng block screenings na i-sponsor nila.

Pero magpapahuli ba ang fans ni Maine Mendoza?

Meron din silang pa-trending na nung huli kong tsinek habang nagdi-deadline ako, number one ang hashtag na MaineBenchEveryday.

Ang tingin ko diyan kasi, gusto lang nilang ipakitang kahit nawalan ng isang endorsement si Maine, marami pa ring produktong nagtitiwala sa phenomenal star ng Eat Bulaga.

Nababasa ko sa kanilang thread na sampu ang produktong ini-endorse nito.

Kung nawala man sa kanya ang endorsement ng ice cream na napunta kay Kathryn, may pumasok naman na bago na isang brand ng deodorant.

Nandun pa rin si Alden sa ice cream endorsement na iyun kasama na si Kathryn. Kaya tamang-tama lang sa promo ng kanilang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Ang dating tuloy sa amin, nagkakaroon na ng kompetensya ang fans nina Alden at Maine.

Pati nga sa McDonalds outlet ni Alden na kabubukas lang, may patalbugan din ang  fans.

Nakarating sa amin ang balitang sobrang lakas ng food chain na iyun ni Alden sa Biñan, Laguna. Lagi raw puno kahit may isa pang ganung food chain malapit lang doon. Pero mas malaki ang kay Alden at lagi raw itong tinatao.

Nung kabubukas pa lang daw nito ay mahigit 400 thousand na raw ang kinita nito sa dalawang araw pa lang.

Ipinagmamalaki ito ng fans, pero may ilang fans naman ni Maine ang nag-react na sinasabi nilang mas malakas pa raw doon ang kay Maine sa Bulacan nung kabubukas lang nito. Mas maliit pa nga raw ang food outlet nito kung ikumpara sa kay Alden, pero mas malakas malaki raw ang nabebenta nito.

May ganun na silang pagtatalo na ang dating tuloy parang ipinaglalaban na sina Alden at Maine.

Sana masalba pa itong AlDub loveteam dahil hanggang sa ngayon ay meron pa ring weeksary ang fans na nasa 199th week na raw ito ayon sa pinapa-trending nila tuwing Martes.

Parangal na ibinigay ng FAMAS sa governor ng Laguna, kinukuwestiyon

Nagbunyi ang mga taga-Laguna na supporters ng incumbent Governor ng naturang lalawigan na si Gov. Ramil Hernandez dahil sa parangal na iginawad sa kanya ng FAMAS nung February 27 sa Meralco Theatre.

Kay Gov. Hernandez iginawad ang Excellence Award in Government Service ng naturang award-giving body.

Malaking bagay ito kay Gov. Hernandez dahil unanimously chosen siya ng mga miyembro ng naturang award-giving body na karamihan ay nasa movie industry, at nasa public service naman ang ilan.

Sagot sa ilang tumataas ang kilay bakit kay Gov. Hernandez ibinigay, puwede naman daw i-Google kung ano ang mga na-achieve niya bilang isang public servant.

Bago siya iniluklok bilang Governor ng Laguna, naka-tatlong term naman siyang konsehal ng Calamba City.

Naging presidente siya ng National Movement of Young Legislators-Laguna Chapter, at nagtala siya ng bagong record noong 2007 nang tumakbo siyang Sangguniang Panlalawigan na kung saan siya ang number one board member nung taong iyun.

Puwede ring i-check ang pag-viral niya sa social media dahil sa marami niyang projects sa probinsya, at isa na roon ang scholarship programs niya sa mga kabataan.

Show comments