Life story ng racer na si Michael Shumacher, eye-opener
‘Don’t push yourself too hard, enjoy your life’
Sina Dolor Guevarra at Shirley Kuan na pawang mga PAMI members ang mahilig magpadala ng mga quote at magagandang message sa umaga.
Dahil textmate ni Dolor si Bishop Soc Villegas, ang mga ipinadadala sa kanya ni Bishop Soc, ipinadadala rin niya sa iba.
Sa mga text message na ipinadala sa akin ni Dolor ang tinamaan ako nang todo, ang story ni Michael Shumacher, ang Grand Prix champion at Formula 1 winner car racer.
Naaksidente si Michael sa isang skiing incident at ngayon, in vegetative state na siya. Mula sa pagiging race car champion, hindi na makakilos at naghirap nang husto sa buhay si Michael.
Sa isang iglap, mula sa itaas, bigla ang bagsak niya. One thing na iisipin mo, sa buhay, isinilang ka na walang dala, aalis ka rin sa mundo na walang madadala.
Kaya nga lang, in between life and death, naroroon ang struggle while living your life. Kailangan mo na kumita, magtrabaho, magsikap para umangat ang buhay mo but in the process, may mga bagay ka na nalilimutan, nasasaktan at hindi nabibigyan ng importansya.
Samantalang ang mga pinagpaguran mo kahit ano pa ang mga ‘yon, maiiwan mo rin kapag namatay ka.
What an eye opener pero mukhang mahirap gawin. By nature kasi, ang tao may competitive attitude to survive, to be on top.
Ang hirap para sa iba to take life easy, to smell the flowers, to just let go. In life you always learn your lesson the hard way pero just be grateful for whatever you get.
Take it easy na lang, don’t push yourself too hard, enjoy your life, enjoy your share, don’t be too greedy.
Kung ano ang nandiyan o anuman ang natanggap mo, just be thankful. Sabi nga, ipinanganak ka na walang dala, aalis ka na wala rin madadala.
Hero namana ang PR ng kuya
Handang-handa na si Hero Bautista para sa darating na eleksyon nang humarap siya sa entertainment press noong Miyerkules.
Namana ni Hero ang mahusay na PR ng mga Bautista at halos nanggaling sa kanyang kapatid na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang staff niya na kilalang-kilala ang halos lahat ng movie writers.
Maganda talaga na gesture ang pagbibigay ng Bautista family ng importansya sa showbiz press na karamihan, naging close nila noong mga bata pa sila.
Mga hardbound book na mabigat pero interesting na basahin ang mga give away ng mga Bautista para lalo silang makilala ng publiko.
Suportado ni Vice Mayor Joy Belmonte ang kandidatura ni Hero na re-electionist councilor sa 4th District ng Quezon City.
Thank you uli sa Bautista family, lalo na kay Hero for giving us so much importance.
Rubby pinaka-masarap na travel buddy
Belated happy birthday Salve, sa mahal natin na si Rubby Coyuito ng Flawless na nagdiwang ng kanyang birthday noong May 7.
Isa si Rubby sa mga pinakamasarap na travel buddy, talagang limang days tayo noon sa Paris pero hindi nabawasan ang baon natin dahil nakabantay ang dalawang angel secretary niya na sina Anna 1 at Anna 2 para magbayad ng mga bills natin.
Bongga si Rubby na low maintenance sa travel dahil hindi maarte sa food at hindi shopping addict.
Hanggang sa Paris nga, trabaho ang inaatupag nila ng mga angel na kasama niya kaya pagod din sila sa biyahe.
I love Rubby dahil alagang-alaga niya tayo as in talagang hands on siya sa kung ano ang mga kailangan natin.
Happy 30th birthday Rubby and more travelling together, travel buddy naming mahal. Flawless forever friend.
- Latest