Kapamilya aktor mas pinili na lang magpakita ng puwet kesa ituloy ang ambisyon sa Amerika

Kit

Mukhang sumuko na si Kit Thompson sa kanyang pakikipagsapalaran sa U.S. Bumalik na ito matapos ang maraming buwan ng pana­natili roon para subukan ang kanyang kapalaran sa pag-aartista matapos dumaan sa mara­ming audition at photo shoot at nagtrabaho bilang deli­very boy ng pagkain.

Tinulungan siya at sinuportahan ng kanyang ama para magtagal ang pananatili niya run pero, nagbalik siya ng bansa, at matapos ang isang mapagha­mong role sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos, heto siya at sumasabak sa akting sa isang bagong serye ng ABS-CBN, ang Sino Ang May Sala? Mea Culpa na kung sasan ay pumayag siya sa isang butt exposure. Maari pa niyang lampasan ito at gumawa ng frontal nudity pero, depende sa role, “Hindi ko gagawin ito para lamang magpasikat o magmayabang,Kailangang hinihingi ito ng role,” sabi niya.

Magkasing-halaga ang role nila ni Tony La­brusca sa SAM na walang pangiming sinabi niyang mas seksi siya.

Magkakapatid na Bautista hindi natibag sa mga pinagdaanan

Pinakabunso si Harlene Bautista sa tatlong magkakapatid na anak ng isa ring dating artista, pulitiko at miyembro ng orihinal na LoWaist Gang, isang grupo ng mga artistang kalalakihan na sumikat nung 50s na binubuo nina Fernando Poe, Jr. Zaldy Zshornack, Ber­ting Labra, Boy Sta. Romana, Bobby Gonzales, Tony Cruz, Boy Francisco at Butch Bautista, ama nina Quezon City Mayor Herbert, Harlene at Hero Bautista.

Si Hero na pangalawa sa magkakapatid ay konsehal ng 4th District of Quezon City at mu­ling tumatakbo para sa reeleksyon, at bukod sa pagiging artista ay nagtatangka na rin siyang magdirek ng pelikula.

Sa katunayan nga ay isa siya sa mga nasa likod ng matagumpay na movie production na Heaven’s Best Entertainment, ang Rainbow’s Sunset na hanggang ngayon ay umaani pa rin ng parangal sa ibang panig ng mundo matapos na makilala rito sa bansa.

Ayon kay Harlene, susubukan daw nilang sundan ang tinamasang tagumpay ng Rainbow’s… sa pamamagitan ng follow up movie nilang In The Name of the Mother na nagtatampok naman kay Snooky Serna at Rita Daniela sa direksyon muli ni Joel Lamangan.

Kapag nagpatuloy ang magandang suwerte ng produksyon ay baka mapapayag na rin nila si Mayor Herbert na balikan ang paggawa ng pelikula. Gumagawa rin ng project para sa TV ang Heaven’s Best.

Samantala, sa kabila ng pagdaan ng unos sa buhay ng magkakapatid, ang break up ng marriage nina Harlene at Romnick Sarmenta, ang pagkagumon ni Hero sa ipinagbabawal na gamot at ang matagumpay niyang pagbangon mula rito sa tulong na rin ng kanyang mga kapatid at ang naun­syaming romansa ni Mayor Herbert at Kris Aquino, buo pa rin at matatag ang samahan ng Bautista siblings.

Si Mayor Herbert ay naka-focus sa kanyang mga anak ngayon at iiwan na ang kanyang posisyon bilang ama ng kanyang lungsod. Si Harlene ay palaging nakasuporta sa kanyang dalawang kuya kahit abala sa pagpatakbo ng Heaven’s Best. Masaya rin ang puso nito ngayon, habang si Hero naman ay tumatakbong muli bilang konsehal ng 4th District at mas marami ang plano para sa ikauunlad ng kanyang distrito at ng buong lungsod.

Jolina at Melai kinakaya kahit wala si Karla

Marami ang naghahanap kay Karla Estrada. Matagal na kasi siyang hindi napapanood sa Magandang Buhay, tanging sina Melai Cantiveros at Jolina Magda­ngal ang magkatulong na itinatawid ang pang-umaga nilang programa.

Hindi naman bigo ang dalawang iniwan niyang host dahil kaya ng mga ito ang trabaho at napapasaya nila ang mga manonood sa maganda nilang chemistry.

Si Karla ay abala sa kampanya ng ama ni Da­niel Padilla na si Rommel Padilla na tumatakbong ­congressman ng Nueva Ecija.

Clint ramdam na bumagay sa Kapuso

Ganap nang Kapuso ang aktor at fitness model na si Clint Bondad matapos niyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center ngayong Martes, Mayo 7.

Ayon kay Clint, “I am very grateful to GMA for allowing me to be part of its growing family. I take it as an honor to finally be called a Kapuso.”

Bago pa man maging pormal na Kapuso, napanood na rin si Clint sa ilang programa ng GMA tulad ng Unang Hirit at Sunday PinaSaya. Parte siya ngayon ng Love You Two.

Ipinahayag ni Clint ang kanyang saya sa pormal na pagiging Kapuso. Aniya, isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon siyang pumirma ay ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Network noong nag-uumpisa pa lang siya, “The atmosphere here in GMA is very light and happy, bagay sa personality ko. When people believe in you it’s a big push and mas madaling mag-improve.”

Show comments