MANILA, Philippines — Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Tayo sa Huling Buwan ng Taon ng TBA Studios, the makers of Goyo : Ang Batang Heneral, I’m Drunk, I Love You among others, na isang romatic drama about falling in love and finding yourself - and how sometimes, those two may not mix well together, na magsisimulang mapanood ngayon sa mga sinehan, May 8.
Starring sa movie sina Nicco Manalo, Anna Luna and Alex Medina, directed by Nestor Abrogena na nagdirek ng indie film favorite na Ang Kwento Nating Dalawa na originally meant to be a s tudent short film pero naging full-lenght movie that premiered in the 2016 World Premieres Festival in Pasay City. At ito ngang Tayo Sa... ang masasabing answered prayers sa mga naghihintay sa follow up film ni Direk Nestor sa Ang Kuwento...
May napatunayan na ang bidang si Nicco bilang actor sa stage musical and plays such as Mula Sa Buwan and Ang Huling El Bembo, sa mga pelikulang Gusto Kita With All My Hypothalamus pero ayon sa aktor, ang role niya sa Tayo sa Huling Buwan Ng Taon bilang Sam is perhaps his favorite. “We use mostly ourselves when we portray our characters, that’s why the movie is so authentic.”
Matagal din daw nila itong hinintay at makikita sa pelikula kung paanong binago ng panahon ang kuwento ng pelikula at ang mga character na pino-portray nila sa Ang Kuwento... “Kung ano ‘yung learnings namin sa four years na lumipas, makikita ‘yun sa pelikula,” pahabol ni Nicco.