Pinoy, wagi uli sa Mr. Gay World

Janjep Carlos

SEEN: Ang former child actor at incumbent Pangasinan 4th District House Representative na si Christopher de Venecia ang kumumbinsi sa kanyang ina na si former House Representative Gina de Venecia na itatag ang Inang Mahal Party List para magkaroon ng boses sa Kongreso ang mga ina.

SCENE: “Ang ibinigay sa akin na number ng COMELEC is 69. Binola ‘yon eh, hindi ko naman pinili but I’m glad I got it because people remember it,” ang funny anecdote ni Manay Gina de Venecia tungkol sa numero sa balota nila ng Commission on Elections sa Inang Mahal. 

Si Manay Gina ang first nominee ng Inang Mahal Party List na may primary purpose na mabigyan ng livelihood ang mga nanay.

“We’d also like to give scholarship and attend to health and other concerns of mothers. The mothers said na kawawa ang mga nanay sa buong Pilipinas, para mairaos ang kanilang mga anak, napipilitan sila na magbenta sa palengke, maglabada, mamasukan, magtrabaho sa ibang bansa para mapakain ng tatlong beses sa isang araw ang mga anak nila,” ang pahayag ni Manay Gina na nagpapasalamat kay Boy Abunda dahil idea nito na pangalanan na Inang Mahal ang kanilang party-list.

SEEN: Sina Vhong Navarro, Edgar Mortiz at Alex Gonzaga ang mga bagong cast member ng Home Sweetie Home, ang Saturday sitcom ng ABS-CBN. Mapapanood ang participation ng tatlo sa Home Sweetie Home simula sa May 11, 2019.

SCENE: Hyperthymesia ang mental condition ng karakter ni Jerome Ponce sa Finding You, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na mapapanood sa cinemas nationwide simula sa May 29. Ang hyperthymesia ay isang uri ng mental condition na malinaw na nagpapaalala sa isang tao ng lahat ng kanyang mga karanasan sa buhay.

SEEN: Mga foreigner na mahusay kumanta ng OPM ang mga guest kahapon sa ASAP pero sintunadung-sintunado ang boses ng Russian national na si Anna Rabtsun sa Bakit Ngayon Ka Lang? duet nila ni Ogie Alcasid.

SCENE: Sa ikalawang pagkakataon, Pilipino ang nanalo na Mr. Gay World 2019 sa pageant night na nangyari noong Sabado sa Cape Town, South Africa. Si Janjep Carlos ang hinirang na Mr. Gay World 2019 at 1st runner up niya si Mr. Spain Francisco Alvarado.

SEEN: Si John Raspado ang unang Pilipino na nagwagi na Mr. Gay World na ginanap sa Madrid, Spain noong May 10, 2017.

Show comments