Pelikula ni Piolo pasok sa directors’ fortnight sa Cannes!
Kasama ang feature film na Ang Hupa (The Halt) starring Piolo Pascual ng Silver Bear Alfred Bauer Prize winner ng Berlinale na si Lav Diaz sa lineup ng mga pelikula sa prestihiyong Director’s Fortnight, isang non-competitive film showcase na ginaganap kasabay ng Cannes Film Festival.
Ang The Halt ay co-produced ng Spring Films at Sine Olivia Pilipinas at distributed ng ARP Selection ng France. Aside from Piolo, tampok din sa pelikula sina Shaina Magdayao, Joel Lamangan, Pinky Amador, at Hazel Orencio.
Sa kauna-unahang pagkakataon, lalahok ang multi-awarded filmmaker na si Diaz sa Directors’ Fortnight showcase ngayong taon. Kasama rin ang kanyang cast at production team sa pagpunta sa Cannes para makibahagi sa Festival.
Para mas lalong itaguyod ang paglago ng Philippine cinema sa international level, magbibigay ng travel assistance ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa piling Filipino films na lalahok sa Cannes sa pamamagitan ng International Film Festival Assistance Program (IFFAP) sa ilalim ng International Relations Division.
“Isa talaga sa goals namin na i-champion ang Philippine cinema sa international scene, at mas relevant ang pagdiriwang natin ng ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino dahil sa participation ng ating mga pelikula sa Cannes Film Festival ngayong taon. Nalulugod kaming magbigay ng tulong sa ating filmmakers at bigyan sila ng pagkakataong mag-explore ng opportunities sa international film collaborations sa tulong ng prestihiyosong film festival na ito,” sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.
Samantala, kasali naman ang The Manila Lover ni Johanna Pyykkö na co-produced ng Epicmedia (Philippines) at Barbosa Film (Norway) sa ika-58 na La Semaine de la Critique (The International Critics’ Week), isang parallel section sa Cannes Film Festival na focused sa pag-discover ng emerging talents. Pupunta sa Cannes ang The Manila Lover lead actress na si Angeli Bayani para dumalo sa Festival.
Itatanghal din ang Ophelia na thesis film ng Mapúa graduate na si Celina Mae Medina sa market screenings ng Cannes Short Film Corner.
Ang Cannes Film Festival ay isa sa tatlong pinaka-prestihiyosong film festivals sa buong mundo, kasama ng Venice Film Festival at Berlin International Film Festival.
Ang ika-72 na Cannes Film Festival ay gaganapin mula Mayo 14 hanggang 25, 2019 sa Cannes, France, ang Director’s Fortnight ay mula Mayo 15 hanggang 25, 2019, samantalang ang Short Film Corner naman ay mula Mayo 20 hanggang 25, 2019.
- Latest