^

PSN Showbiz

Block screening ng pelikula nila Jasmine tinanggihan ng mga sinehan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Block screening ng pelikula nila Jasmine tinanggihan ng mga sinehan
Jasmine

Mga pelikulang ipapalabas pa hinuhulaang di rin kikita

Hindi lang namin nakumpirma kung nabawasan na ng mga sinehan ang Male­dicto na nagbukas nung nakaraang Miyerkules.

Iyun kasi ang napagkasunduan ng mga theater owners sa Fox Philippines na kung hindi ganun kaganda ang box-office performance ng naturang pelikula, bibigyan daw nila ng isa pang araw bago nila ibalik sa Avengers ang mga sinehan.

Kaya naman nakiusap na si Jas­mine Curtis Smith sa kanyang Twitter account na huwag sanang hayaan na matanggalan sila ng sinehan.

“Help us stay in cinemas till the weekend pls. It’s a really tough fight but I promise you thay it’s worth the watch,”post niya sa kanyang Twitter account nung kamakalawa lang.

Ang isa pang ikinalungkot ng Kapuso actress, may mga sinehan ang tinatanggihan sila ng block screening.

“Two malls in Taguig declined our block screenings because apparently they don’t screen local films anymore,”nakakalungkot na post ni  Jasmine.

Siya pa naman ang pinupuri sa naturang pelikula. Kaya naman marami ang nagsasabing sana mabig­yan ng mas magandang project si Jasmine para lalo niyang maipakita ang galing niya sa pag-arte.

Sa May 8 ay papasok na ang iba pang local films, itong Between Maybes at Sons of Nanay Sabel.

Hindi rin maganda ang hula ng karamihan, pero hindi pa rin naman nawawalan ng pag-asa.

Nandiyan pa rin naman ang mga supporter ni AiAi para sa pelikula niya, at napatunayan naman ang galing ng Star Cinema sa pagpu-promote kaya baka umepek naman itong bagong tambalan nina Gerald Anderson at Julia Barrettosa Between Maybes.

Miguel at Bianca hindi napiga sa dating relasyon 

Hindi talaga mapiga ang magka-loveteam na Miguel Tanfelix at Bianca Umali pagdating sa kanilang relasyon, kahit kung anu-anong kuwentong naglabasan tungkol sa kanila, consistent ang sagot nilang dalawa na never daw naging sila.

Sabi ni Miguel nang nakatsikahan namin sa set ng pelikulang Family History, mas naging close raw sila ngayon ni Bianca.

Kaya thankful din siya na ibinigay sa kanila ang Sahaya dahil dito raw sila naging close at sabi nga ni Bianca, mas nag-mature daw sila ngayon.

“Nagpapasalamat po ako sa GMA at siyempre sa mga supporters na hindi po sila nawawalan ng tiwala sa amin ni Bianca,” pahayag ni Miguel.

Mas okay nga raw sila ngayon, dahil walang pressure at mas naging open nga raw si Bianca pagdating sa mga personal niyang isyu.                                       

“Kami ni Bianca, sobrang okay naman po kami pag nagtrabaho kami. Lahat naman po nakikita yan on and off cam. Masaya lang.  Magkasundung-magkasundo kami. Never naman po matatanggal yun para sa amin,” dagdag niyang pahayag.

Pero talagang pinanindigan niyang hindi raw niya naging girlfriend, at sa edad na 20 ay hindi pa nga raw niya na-experience na magka-girlfriend.

“Kung ano po yung sinasagot namin before ganundin po kami, na masaya kami kung anong meron kami.

“Kung ano yung nakikita nyo sa amin ni Bianca, yun na po yun,” safe niyang sagot.

Dahil sa closeness nga raw nila, tinanong na rin namin na baka ang ending sila pa rin talaga.

“Ayoko naman pong pangunahan ang future, puwedeng oo, puwedeng hindi. Depende sa sigaw ng aming feelings,” safe na sagot ng Kapuso young actor.

“Actually, naisip ko pa rin yun kung kailan ba ako magkaka-girlfriend. Siguro pag stable na career ko,” sabi pa niya.

Ngiti lang ang sagot ni Bianca nang hiningan namin siya ng reaksyon na baka maging sila rin dahil sa magandang samahan nila sa Sahaya, at meron pa silang pelikula ngayon sa GMA Pictures, ang Banal at itong Family History.

“Sa Sahaya po kasi ngayon iba na po yung kung paano namin na-handle yung mga bagay-bagay compared to how we were before.

“I think…yung oras po na lumipas…yung maturity, yung understanding namin of things. I think it’s how we are with each other.

“Kumbaga, mas deep yung friendship, mas may understanding, mas

professional,” pahayag ni Bianca nang makatsikahan namin sa set ng Family History.

Ganundin ang denial ni Bianca sa isyung naging sila ni Miguel. Close lang daw talaga sila noon pa.

“Kung ano po yung nakikita n’yo sa amin yun pong meron kami. And I think until today ganun pa rin. What you see is what you get.

“Pagdating po sa trabaho, trabaho talaga eh. Yung factor po na lagi kaming magkasama araw-araw, and kung bakit kami naging ganun sa isa’t-isa, dahil po yun sa work namin. Dahil po yun sa oras na na-spend namin together,” safe niyang sagot sa amin.

JAS­MINE CURTIS SMITH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with