Nadine Lustre itinanghal na 'Best Actress' sa ika-67 FAMAS awards

Nakuha niya ito sa kanyang natatanging pagganap bilang "Joanne" sa pelikulang "Never Not Love You."
Instagram/vivaartistsagency

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Nadine Lustre ang gantimpala para sa "Outstanding Performance by an Actress in a Leading Role" sa katatapos lang na 67th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, Linggo.

Nakuha niya ito sa kanyang natatanging pagganap bilang "Joanne" sa pelikulang "Never Not Love You."

"Oh my God, hindi ko po alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions," sabi ng 25-anyos na aktres sa kanyang talumpati.

Hindi naman siya nakalimot magpasalamat sa kanyang Viva family, kina Vic del Rosario, direk Antoinette Jadaone at producer na si Dan Villegas sa kanyang acceptance speech.

 

 

Pero ang inabangan ng fans — ang mensahe niya sa katambal sa pelikula at real-life boyfriend na si James Reid.

"Gusto kong magpasalamat... kay James na palagi akong pinu-push to bring out my very best. Sinisigurado ko na naaalala ko na I am bigger and stronger than any storm that will come my way," dagdag niya.

"Para po ito sa kanila, itong award na ito. Maraming, maraming salamat po ulit FAMAS."

Binati rin ng Viva Artists Agency ang isa sa kanilang pinakatanyag na talent sa isang paskil sa Instagram.

"Congratulations @nadine #Famas2019 Best Actress for #NeverNotLoveYou ???????????? Well deserved Award ????," sabi ng post.

 

Show comments