Heart dinipensang hindi pinaiinitan ang alagang aso

MANILA, Philippines — Sinagot ni Heart Evangelista ang nag-comment sa post niya ng pet dog niyang si Panda na suot ang isang Ralph Lauren pink t-shirt. Sabi ng netizen, cruel ang ginawa ni Heart at hindi magiging komportable ang mga hayop wearing human clothes.
Sagot ni Heart: “Panda only wears clothes when she’s cold:) nothing wrong with that. She is in an aircon the whole day. My car keeps running even when it’s parked just to make sure she isn’t hot. Pls. Bring your negativity somewhere else.”
Sa sunod niyang post, nanawagan tuloy si Heart sa Ralph Lauren na gumawa ng shirts para sa dogs.
Hindi rin updated ang nag-comment dahil may clothes for the dogs, may shoes for them at kung ano-ano pa. Saka. Ang daming dogs na nakadamit at may nakita pa kaming nagmu-malling na dog kasama ang amo niya na naka-t-shirt, may suot na shoes at may suot na diaper.
Lupang kinatatayuan ng tindahan ni Alden iniintriga rin
Hindi updated ang basher ni Alden Richards tungkol sa lote na kinatatayuan ng McDonald’s branch na pag-aari ng pamilya ni Alden. Hindi kasi naniniwala ang basher na ma-a-afford ni Alden na bilhin ang 1,500 sq meters commercial lot sa Biñan City kung saan nakatayo ang store nito.
Obviously, hindi nabasa ng basher ang sinabi ni Alden sa interview na ni-lease lang nila ang commercial lot na kinatatayuan ng McDo store nila. Hindi lang namin matandaan kung ilang years at katulong pa ang McDo sa paghahanap ng location.
Mabuti at deadma na sa mga bashing si Alden, nasanay na siya, lalo na ngayon na natupad ang childhood dream niya na magkaroon ng sariling McDo store.
Nasa pangalan ng The Faulkersons Corporation ang store nina Alden at kasama rito ang Concha’s Garden Restaurant na ang third at fourth branch na kasama si Alden ay magbubukas sa May.
Anyway, pinasalamatan ni Alden ang fans na dumating sa Grand Opening kahapon, lalo na ang nalamang 5pm., pa lang ng Apr. 25, may fans nang nag-campout para hindi sila ma-late sa 7am., motorcade.
Sa April 28, babalik sa Hong Kong si Alden para sa pagpapatuloy ng shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.
- Latest