^

PSN Showbiz

Nawalan ng malay ng 10 minuto, Barbie sinaktan ng multo sa taping!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nawalan ng malay ng 10 minuto, Barbie sinaktan ng multo sa taping!
Barbie

Sinusubukan kong makausap si Barbie Imperial, pero hindi ko alam kung sino ang kokontakin ko. Kaya sana maikuwento niya kung ano talaga ang nangyari sa taping ng Ipaglaban Mo kamakailan lang.

Kuwento ng aming source, kasama raw ni Barbie si Tony Labrusca na nag-tape ng isang episode sa Ipaglaban Mo na kinunan sa isang lumang bahay sa Pampanga.

Ayon sa kuwentong nakarating sa akin, okay naman daw ang taping nila, pero nung nagsi-set up na raw para sa susunod na eksenang kukunan, nakaupo lang daw sina Barbie at Tony sa sala malapit sa bintana.

Hinihintay daw nilang matapos ang set up para kukunan na sila, nang biglang humampas daw kay Barbie ang malaking takip ng bintana.

Wala naman daw malakas na hangin o gumalaw doon sa bintana. Basta na lang daw ito nag-swing at humampas kay Barbie na nakaupo malapit doon.

Hinimatay daw si Barbie na halos sampung minuto raw itong nawalan ng malay.

Nang nahimasmasan, isinugod na raw siya sa hospital para matiyak na okay siya.

Wala raw makapagbigay ng paliwanag kung paano nangyari iyun. Pero kuwento raw ni Barbie nung nasa hospital na siya, may nakita raw siyang matandang babae na dumaan, saka humampas ang bintana sa kanya.

Nang nagkamalay daw siya at dinala na ito sa hospital, nakita pa raw niyang sumunod pa sa kanila ang naturang matanda. Nakita pa raw niyang bumaba ng hagdanan.

Kaya takot na takot na ito.

First time raw niyang naranasan ang ganitong nakakapangilabot na pangyayari, kaya takot na takot na raw siyang bumalik doon para mag-taping.

Pero nag-decide na rin daw ang mga taga-Ipaglaban Mo na i-pack up na lang ang taping.

Nagpa-reschedule na lang daw sila ng taping pero hindi na sa lugar na iyun.

Takot na takot na raw silang bumalik doon, kaya naghanap na lang daw sila ng ibang location.

Derek matagal nag-isip bago pumirma ng kontrata sa GMA

Mainit ang pag-welcome ng GMA 7 kay Derek Ramsay pagkatapos niyang pumirma ng three year exclusive contract sa Kapuso network kahapon.

Kuwento ni Derek, pagkatapos daw mag-expire ang kontrata niya sa TV 5, naisip na raw niyang hindi na siya magti-TV.

Okay na raw sana sa kanya ang mag-movies at mag-focus sa pagi­ging athlete.

Gusto raw niyang maging professional golfer na kung saan sumali na nga sila sa ilang international competitions.

Pero dumating nga itong alok ng GMA 7 at kasama raw ang magulang niya sa kanilang first meeting sa mga top executive ng naturang network.

Maayos daw ang pag-uusap at nagulat na lang siya nang mismong mga magulang niya ang nagkumbinseng tanggapin niya ito.

“Na-shock talaga ako after the first meeting, yung parents ko nagpunta sa akin.

“Hindi pa ako nanghingi ng advice ha? Pero sila talaga ang nag-push,” pakli ni Derek.

“I was very content with my life na…I had my businesses, I want to focus another dream that I had to become a professional golfer.

“But then, my family…they see something there, and they think it’s a perfect fit for me. Talagang napaisip ako. Then, sa second meeting, nagbanggit na sila ng project,” dagdag niyang pahayag.

Last year pa nga raw sila nagkasarahan, pero gusto raw niyang itono ang sarili na babalik siya uli sa TV, kaya nakiusap itong palagpasin na muna ang 2018, at ngayon na nga sila nagkapirmahan.

Sobrang excited si Derek sa unang drama series na gagawin niya sa GMA 7, ang The Better Woman na kung saan makakasama niya si Andrea Torres.

May mga sexy scene daw kasi siyang gagawin at daring nga sila rito ni Andrea.

“Hindi ko talaga maisip kung ano yung gagawin ko if I’m in that position.

“Talagang, it deals with two women of course. Pero you can only think with so much na mangyayari between a love triangle. Pero hindi siya love triangle eh,” medyo naalangan pang ikuwento ni Derek ang kabuuan ng kuwento.

BARBIE IMPERIAL

DEREK RAMSAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with