SCENE: Puring-puri ng direktor na si Cathy Garcia Molina ang ugali ni Alden Richards. Nakita ni Cathy ang kabutihan at kagandahang-asal ni Alden sa Hong Kong shooting ng Hello Love Goodbye, ang pelikula ng Star Cinema na pinagbibidahan ng aktor at ni Kathryn Bernardo.
SEEN: Pahinga muna si AiAi Delas Alas sa promo ng Sons of Nanay Sabel ng Viva Films ngayong Holy Week dahil magbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa isang resort sa Bataan.
SCENE: Must watch movie ngayong Semana Santa ang American movie na Breakthrough na nangyari sa tunay na buhay at tungkol sa walang pag-aalinlangan na paniniwala at pagtitiwala sa Diyos ang kuwento.
SEEN: Ang Pambansang Millennial Tita ang bagong title ni Amy Perez na kilala ngayon sa tawag na Tiyang Amy. Tanggap ni Amy na siya ang bagong Tiya Dely, ang radio broadcasting icon na mahusay magpayo sa listeners niya. Binansagan na Tiyang Amy si Amy dahil sa mga payo nito sa kanyang mga nag-aaway na guest sa Face to Face, ang top rating morning program niya sa TV5 na napanood mula March 2010 hanggang October 2013.
SEEN: Unopposed si Strike Revilla sa congressional race sa 2nd District ng Cavite. Si Strike ang nakababatang kapatid ni Bong Revilla, Jr. at incumbent house representative ng lone district ng Bacoor City.
SCENE: Sigurado na ang pagbabalik ni Dan Fernandez sa kongreso sa June 2019 dahil wala siyang kalaban sa congressional race sa 1st District ng Laguna sa midterm polls. Si Fernandez ang incumbent mayor ng Sta.Rosa City, Laguna.
SEEN: Pinag-aaralan na mabuti ni Anjo Yllana ang kanyang plano na kumandidato na senador sa eleksyon sa 2022 dahil sa pangarap niya na maging second world country ang Pilipinas.