Dahil sa retoke, female singer hindi nakilala ng sariling mommy!
Walang dudang niregaluhan ng ginintuang boses ang isang female performer. Walang kuwestiyon sa kanyang pagkanta, naaabot niya ang pinakamatataas na tono na makinis ang kanyang atake, kaya niyang makipagsabayan kahit kanino.
Kaya lang ay maraming nakakapansin na ibang-iba na siya ngayon, halos hindi na nga siya nakikilala ng kanyang mga kaklase sa high school at sa kolehiyo, masyado na siyang lumalim sa pagpaparetoke.
Kuwento ng aming source, “Nu’ng una siyang magpagalaw ng face, e, hindi siya nakilala ng mismong mommy niya nu’ng umuwi siya sa kanila. Nasa pintuan siya nu’n, tanong ng nanay niya, ‘E, sino ka ba?’
“As in, literal siyang hindi nakilala ng mommy niya dahil ibang-iba na ang itsura niya. Napakalayo na sa dati, tumangos nang bigla ang nose niya, parang lumaki na ang mga eyes niya!” umpisang kuwento ng aming impormante.
Pero mukhang hindi pa rin nagkasya sa ganu’n lang ang female performer, sumailalim na naman siya sa isang procedure, lalong nagbago ang kanyang itsura.
“Parang pinaliitan niya ang mouth niya, biglang lumiit ang bibig niya, kaya kapag kumakanta na siya, e, naiilang ang mga nakatutok sa kanya.
“Nasa tamang tono pa rin siyang kumanta, abot pa rin niya ang matataas na nota, kaya lang, e, naaalarma ang manonood dahil baka biglang mapunit ang mouth niya!
“Naalala n’yo ‘yung isang mas senior na female singer compared sa kanya? Ganu’n din, kung anu-ano ang ipinabago niya sa face niya, kaya kapag kumakanta na siya, e, ayaw siyang titigan ng audience! Kasi nga, e, baka bigla na lang siyang himatayin habang kumakanta!
“Lumiit na kasi nang todo ang butas ng ilong nu’ng female singer, kaya kapag kumakanta siya, e, parang kinakapos na siya sa hangin!
“Huwag naman sanang madagdagan pa ang pagpaparetoke ng female performer na ito, okey na ang ganyang itsura niya, hindi na maibabalik pa ang dati niyang itsura pero sana naman, e, tantanan na niya ang pagpapaayos ng face niya!
“Tantanan na ang pagpapaayos ng face, baka isang araw kasi, e, bigla na lang siyang kapusin sa oxygen, ang hilig-hilig pa naman niyang kumanta ng mga piyesang sa sampung kumanta, e, pito ang malapit nang malaglagan ng baga!” pagtatapos ng aming source.
Ubos!
Can afford bumili ng mga orig, ‘Fake’ LV ni Terrence ayaw tantanan
Kapag kilala na ba ang isang personalidad ay wala na siyang karapatang magsuot ng mga hindi orihinal na brand? Puro branded lang ba ang dapat nakikitang ginagamit ng mga popular na personalidad?
Hindi artista si Terrence Romeo, pero sa kanyang hanay bilang isang basketbolista ay kabog pa niya ang ibang artista, kinakikiligan siya ng kababaihan at beki dahil star player siya.
Bina-bash ngayon si Terrence dahil may lumabas siyang retrato sa social media na fake LV t-shirt daw ang kanyang suot. Ganu’n na lang ang mga panlalait na ibinato sa kanya.
Bakit, krimen na ba ngayon ang pagsusuot ng Class A na klase ng kasuotan, wala na bang kalayaang magsuot ng hindi original ang mga personalidad na kilalang-kilala ng buong bayan?
Malay naman nila kung pinahahalagahan lang ni Terrence Romeo ang regalong bigay ng kanyang mga tagahanga? Hindi nila alam ang kuwento kung bakit meron siyang fake na LV kung fake nga ang pagtanggap du’n ng mga namba-bash sa kanya.
Kung original lang na LV ang pag-uusapan ay sagana ang basketball player. Pati ang mga luggage niya sa pagbiyahe ay original na LV. Kayang-kaya niyang bumili ng mga original products ng Louis Vuitton.
Hindi papayag ang kanyang misis na si Pia na mapapahiya siya, nakapamimigay nga ito ng mga original brand ng iba-ibang stuff, ang kanyang mister pa kaya ang ilalagay ni Pia sa alanganing sitwasyon?
Alamin muna ang kuwento. May mga artista o personalidad sa mundo ng basketball na marunong magpahalaga sa mga regalong tinatanggap nila.
Saka teka lang muna, krimen na ba ngayon ang pagsusuot ng hindi original, ka-bash-bash na ba ang tulad ni Terrence Romeo kung sakali mang fake nga ang suot niyang LV?
Bakit? At bakit pa uli?
- Latest